1 patay sa karambola ng 6 na sasakyan sa Atimonan

0
176
Photo courtesy of LGU Atimonan, Quezon

ATIMONAN, Quezon – Isa ang patay sa karambola ng anim (6) na sasakyan sa Atimonan, Quezon, Huwebes ng gabi.

Sa report ng Atimonan MDRRMO nangyari ang aksidente sa ganap na 6:32 ng gabi, Marso 29, 2018 sa Diversion Road Sitio Salulo, Brgy. Malinao Ilaya Atimonan, Quezon.

Anim na sasakyan ang nagkarambola sa nasabing aksidente na kinabibilangan ng RU Diaz Bus, Silver Star Bus, isang 6 wheeler truck flat bed na may kargang bigas, DLTB, isang Hyundai Van at isang six wheeler fish dealer truck

Nasawi sa aksidente ang driver ng 6 wheeler truck na may kargang bigas samantalang minor injuries lamang ang tinamo ng ilang pasahero.

Wala rin naiulat na isinugod sa ospital, ayon pa sa Atimonan MDRRMO.

Photo courtesy of LGU Atimonan, Quezon
Photo courtesy of LGU Atimonan, Quezon
Photo courtesy of LGU Atimonan, Quezon
Photo courtesy of LGU Atimonan, Quezon

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.