1 patay, 3 sugatan sa banggaan ng bus, jeepney sa Quezon

0
337
Photo courtesy of MDRRMO Sariaya, Quezon

SARIAYA, Quezon, Marso 27, 2018 — Isang babae ang namatay habang tatlong iba pa ang nasugatan sa isang aksidente ng apat na sasakyan kahapon ng umaga sa Sariaya, Quezon.

Ang namatay ay nakilalang si Crislee Bayon Gonzalez, na ideneklarang dead on arrival sa Greg Hospital sa Sariaya dahil sa mga pinsala nito.

Dinala rin sa nasabing ospital sina Alwinop Prudencio Lapina, driver ng motorsiklo; Si Jomar Padayao Boquirion, driver ng jeep, at ang kanyang pasahero, si Santos Boquiron Ramos.

Sa report,  naganap ang insidente alas 3:50 ng umaga sa national highway sa Bgy. Sto. Cristo, Sariaya.

Sa imbestigasyon, ang Toyota Vios na minamaneho ni Herbert Barrientos Babia habang binabaybay ang hilaga bahagi ng daan nang masagi ito ng Raymond bus na minamaneho ni Marvin Banaag Ocampo.

Nabangga din ng bus ang pampaseherong jeepney at motorsikolo na minamaneho ni Lapina, ayon pa sa ulat.

Ang insidente ay nagresulta ng pagkamatay ng isa sa mga pasahero ng jeepney at pagkasugat ng apat pang iba.

Photo courtesy of MDRRMO Sariaya, Quezon
Photo courtesy of MDRRMO Sariaya, Quezon

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.