Aquino wants ‘pork barrel’ scrapped!

0
30
(From L-R) Senate President Franklin Drilon, President Benigno Aquino and Speaker Feliciano Belmonte Jr. MALACAÑANG PHOTO BUREAU
(From L-R) Senate President Franklin Drilon, President Benigno Aquino and Speaker Feliciano Belmonte Jr. MALACAÑANG PHOTO BUREAU

MANILA, 23Aug2013 (PNA) – President Benigno S. Aquino III has called for the abolition of the Priority Development Assistance Fund (PDAF) amid allegations of misuse of some P10 billion public funds.

In his statement in Malacanang on Friday, the Chief Executive directed Budget Secretary Florencio Abad to consult with Senate President Franklin Drilon and House Speaker Feliciano Belmonte Jr. regarding the removal of the PDAF and the crafting of a new system.

“Inatasan ko na si Secretary Abad ng DBM na kumonsulta kina Speaker Belmonte at Senate President Drilon upang pandayin ang mekanismo, at isumite ito kaagad sa akin. Ilalatag natin ito upang ang mga alokasyon sa bawat distrito ay mapabilang na sa ating Pambansang Budget simula sa panukalang budget ng 2014,” the President said.

Established in 1990, the PDAF was intended to bring development to every part of the country by making sure that every congressman will have an assured allocation for his district even if he is a member of the silent committee in Congress.

“Wala pong mali o masama sa polisiyang ito. Ang mali, ang masama, at ang siya ngang ikinagagalit ng taumbayan, ay ang pagsasabwatan sa pagitan ng isang pangulong handang makipagtransaksyon para manatili sa kapangyarihan; mga mambabatas na handang makipagkuntsabahan; at kung nariyan ang kooperasyon ng burukrasya; at mga mamamayang tila namanhid na sa panlalapastangang ginagawa sa kanila–kung nagsama-sama po ang mga sangkap na ito, maaaring maabuso ang PDAF,” he said.

The President wants a new system to ensure that public funds are appropriately used.

“Nakakagimbal nga po ang mga rebelasyon tulad ng mga nakapaloob sa Commission on Audit Special Audit Report ukol sa paggamit ng PDAF noong 2007 hanggang 2009, na inilabas nitong nakaraang linggo. Dalawang bagay po ang malinaw na kailangan nating gawin sa panahong ito,” the President stressed.

“Una, ang panagutin ang mga umabuso sa sistema. Kahapon, iniulat ko sa inyo na inatasan ko ang Department of Justice, sampu ng lahat ng ahensya ng ehekutibo sa ilalim ng Inter-Agency Anti-Graft Coordinating Council, o IAAGCC, na mag-ambagan at magtutulungan upang mapabilis ang proseso, mula sa imbestigasyon, hanggang sa pag-usig, hanggang sa pagpapakulong, at pati na ang pagbawi ng ilegal na yaman,” he said.

The President assured the public that charges will be filed against those involved in the P10-billion pork barrel scam.

“Malinaw ang aking direktiba sa lahat ng ahensya at kawani ng gobyerno: Ibigay ang inyong buong tulong at kooperasyon upang mahanap ang katotohanan, at nang mapanagot ang dapat managot,” he further said.

The President expressed his confidence and trust in the integrity of Ombudsman Conchita Carpio-Morales, Justice Secretary Leila M. de Lima, and COA chairperson Grace Pulido-Tan.

“Alam kong wala silang kikilingan. Kinakatawan nila ang panunumbalik ng tiwala ng publiko sa mga institusyong kanilang pinamumunuan. Iyan po ang balangkas ng ating unang layunin,” he said.

He, likewise, vowed to implement budgetary reforms to rid corruption.

“Ang ikalawa: maghanap ng mas mainam na paraan upang siguruhing ang pera ng taumbayan ay mapunta sa taumbayan lamang. Lilinawin ko po: Simula pa lamang, pilit na tayong nagpapasok ng reporma upang bawasan ang diskresyon, na siyang ugat ng labis at maling paggamit ng PDAF,” he said.

The President is calling on the public to help the government scrutinize government projects to prevent corruption.

“Inatas po nating itala sa Pambansang Budget kung magkano ang PDAF na natatanggap ng bawat mambabatas, at ipinagbawal na rin natin ang congressional insertions. Partikular na lamang ang menu na puwedeng paglagyan ng PDAF, hindi katulad dati kung kailan inilalagay lamang ito sa kung saan-saan,” he concluded. (PNA)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.