Cybercrime law ibasura, internet freedom ipaglaban – panawagan ng kabataang Sorsoganon

0
202
Photo courtesy of Arkibong Bayan
Photo courtesy of Arkibong Bayan

SORSOGON CITY (BicolToday.com/14-Jan-2013) – Nakikiisa ang ang mga kabataang Sorsoganon sa panawagan sa pagbasura at maigting na paglaban ng mga kabataan, mamamahayag, netizens at mamamayang Pilipino sa e-Martial Law ng gubyernong Aquino. Ang Cybercrime Prevention Law o RA 10175 ay malinaw nab anta at pagsupil sa Internet Freedom, right to privacy at iba pang esensyal na karapatang sibil tulad ng kalayaan sa pagsasalita, pagpapahayag at pamamahayag.

Sa pahayag ng Kabataan Partylist – Sorsogon at ng Alyansa ng Nagkakaisang Iskolar ng Bayan (ANIB Sorsogon) sinabi nito na sa Seksyon 19 ng probisyon hinggil sa “Online Libel” ni Sen. Vicente Sotto III ang pagtatranspormang batas bilang cyber censorship law. Pinahihintulutan ng batas na imonitor at italang pamahalaan sa pamamagitan ng PNP at NBI ang mga datos online kasama na dito ang text at tawag. Sa gayon, magkakaroon tayo ng gubyernong sinusubaybayan lahat ng ating mga aktibidad sa internet. Sa pamamagitan din nito kahit yaong mga personal nating usapan ay maaring maging batayan para sa kasong criminal.

Ayon pa sa ANIB, nakakabahala pa, mas mabigat ang kaso sa online samantalang hindi naman malinaw kung paano nagkakaroon ng libel sa internet. Kahit ang simpleng pagbibigay ng reaksiyon, pagre-tweet o pag like sa isang sinabing libelous na material ay kasama sa kaso. Pinapahintulutan din nito ang tinatawag na double jeopardy. Ibig sabihin, maaring ihain ang kasong libel ng dalawang beses, isa sa intenet at ang isa ang sa regular na lathalain.

Dagdag pa ng grupo na sa kabila ng malakas at malawak na pagtutol ng mamamayan ay agad agad na pinirmahan ni Pangulong Aquino ang batas ng Cybercrime noong Setyembre 12, 2012. Habang may mas mahalagang batas na dapat iprayoridad tulad ng Freedom of Information Bill, P125 wage hike at Genuine Agrarian Reform Bill.

Ang Cybercrime Prevention Law ay unconstitutional. Ang pagsasabatas ng lehislaturang ito ay pagpapatupad ng e-martial law at patunay ng kawalang pakialam ni Pangulong Aquino sa karaingan at karapatan ng mamamayan.

Sa pagtatangkang ito ng gubyernong Aquino naalisan ang mamamayan ng karapatan sa paggamit ng internet, hindi maaring manahimik lamang at magmasid. Ang Internet Freedom ay human rights dapat nain itong ipaglaban, pagtatapos ng ANIB Sorsogon. [BicolToday.com]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.