Pagbabago ng isip ng Korte Suprema sa media coverage, nagsusulong ng impunity

0
993

Nagbabala ang Gabriela Women’s Party na nagsusuhay ng impunity o kawalang pananagutan ang pabago-bagong isip ng Korte Suprema hinggil sa media coverage ng pagdinig kaugnay ng ampatuan Massacre.

Ito ang reaksiyon ng grupo matapos bawiin ng Korte Suprema ang naunang pagpayag ng media coverage sa kontrobersyal na kaso.

Ayon sa partido ng mga kababaihan, tatanggalan umano ng naturang desisyon ng Korte ng karapatan ang mamamayahag at mamamayan na malaman ang mga kaganapan sa kaso.

Kung walang media coverage sa mga pagdinig, magiging madali umano sa mga akusado na makapag-maniobra upang malibre sila sa karumal-dumal na krimen.

Subalit may mga balitang nagsilabasan simula kagabi na tuloy pa rin umano ang media coverage sa mga pagdinig sa naturang kaso. [RV/Nob. 13, 2013]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.