‘Buy Pinoy’ sa pasko isinusulong

0
570
Former Bayan Muna Rep. Teddy Casiño. Contributed Photo
Bayan Muna Rep. Teddy Casiño. Contributed Photo

Iminumungkahi ng isang mambabatas na bumili ng mga gawang Pinoy na panregalo sa panahon ng kapaskuhan.

Ayon kay Bayan Muna congressman Teddy Casino, makakatulong sa ekonomiya at pagbibigay-hanapbuhay sa mamamayan kung gawa sa Pilipinas ang mga bibilhing pang-aginaldo sa
pasko.

Ito ang sinabi ng kandidato sa pagka-senador matapos mapansing nagsisimula ang panahon ng kapaskuhan at nagsisimula nang mag-isip ng mga ireregalo ang maraming Pilipino.

Sana huwag nating kalimutan ang ating mga kababayang Pinoy na lumilikha ng sarili nating produkto na may kalidad. Kung bibili rin naman tayo ng pang noche buena o panregalo, bilhin na natin ang gawang Pinoy,”sabi pa ni Casino.

Si Casino ang chairperson ng House Committee on Small Business and Entrepreneurship Development na sumusuporta sa maliliit at katamtamang laking mga negosyo sa bansa. [RV/Nob. 11, 2012]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.