Sobrang interes sa loan sa SSS, ipinapasauli

0
1194

Ipinapasauli ni Bayan Muna Congressman Teddy Casino sa Social Security System o SSS ang sobrang siningil nito sa mga myembrong nag-loan noong nakaraang taon.

Ito ang mungkahi ni Casino matapos iulat ng Commission on Audit o COA na may sobrang siningil ang SSS sa mga myembro nito na halos pitong daan at walumpu’t siyam na milyong piso noong 2011.

Ayon sa COA, imbes na sampung porsyentong interes ang ipataw sa mga nangutang na myembro, higit labing walong porsyento ang siningil ng SSS.

Sïnabi ni Casino, “Sa halip na ibigay ng SSS ang hinihinging dagdag na pension ng mga miyembro nila, ino-overcharge pa pala sila at may inihihirit pang tataasan daw ang premiums ng mga myembro. Dapat ibalik o irefund agad ito ng SSS.”

Si Casiño ang may akda ng House Bill 4917o ang Interest Rate Regulation Act na magtatakda ng labindalawang porsyento bilang pinakamataas nang interes sa lahat ng uri ng pagkaka-utang. [RV/Nob. 7, 2012]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.