Subcontractor ng isang higanteng construction company, di nagbabayad ng buwis

0
159
Filipino construction worker. Photo courtesy Abcasiapacificnews.com
Filipino construction worker. Photo courtesy Abcasiapacificnews.com

Limampu’t dalawang manggagawa ng Renie Construction, subcontractor ng Eton Properties, ang nagreklamo sa isang himpilan ng pulisya sa Makati dahil sa hindi pagbabayad umano ng kanilang mga sahod.

Ayon sa Kilusang Mayo Uno o KMU, ito ang ginagawa ng mga malalaking negosyo sa maraming manggagawa dahil na rin sa kawalang-aksyon o kabagalan ng Department of Labor and Employment o DOLE mismo.

Paliwanag ni KMU chairperson Elmer Labog, natagalan bago umpisahang imbestigahan ng DOLE ang Renie Construction na nagresulta pa sa maliit na kompensasyon sa mga manggagawa.

Dagdag ni Labog, wala nang silbi ang isang kagawaran kung pati ang simpleng pagsubaybay sa paglabag sa karapatan ng mga manggagawa ay mabagal o tuluyan nang hindi maipatupad.

Sinisisi rin ng KMU ang DOLE sa Department Order 18-A nito na nagliligalisa ng kontraktwalisasyon na nagbubunga naman ng hindi pagbabayad ng mga kumpanya sa kanilang manggagawa, tulad ng nagging kaso ng Renie Construction. [RV/Nob. 6, 2012]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.