NTC wala pa ring aksyon sa mga reklamo laban sa mga Telco

0
43
National- Telecommunications Commission
National- Telecommunications Commission

Nagtataka na ang mamamayan kung aaksyon ba ang National Telecommunication Commission o NTC laban sa mga telecommunication company o Telco.

Ito ang sinabi ni Bayan Muna congressman Teddy Casino matapos tanungin ng mga mamamahayag sa Lungsod ng Davao tungkol sa kanyang inihaing reklamo laban sa Smart, Globe at Sun Cellular.

Bukod sa pagtanggi ng mga Telco na ibaba ng ilang sentimo mula piso ang halaga ng bawat text, marami na umano ang reklamo na isinusumite sa NTC tungkol sa masamang signal, putol na tawag, at iba pang halimbawa ng masamang serbisyo.

Ngunit wala pa umanong aksyon ang NTC laban sa mga telco, bukod sa pahayag na sobrang taas nga ang singil sa tawag at text sa bansa.

Panawagan ni Casino na magpakita ng gulugod ang NTC laban sa makapangyarihang mga Telco dahil ang interes ng mamamayan naman ang nakasalalay sa mura at magandang serbisyo sa komunikasyon. [RV/Nob. 6, 2012]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.