Listahan ng benepisyaryo sa Luisita, bubusisiin

0
116
Hacienda Luisita farmer. Photo by KR Guda
Photo by KR Guda

Nananawagan ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP na masinsinang pagrebisa ng inilabas ng Kagawaran ng Repormang Agrayo o DAR na listahan ng mga benepisyaryo sa pamamahagi ng Hacienda Luisita.

Ayon sa KMP, positibong hakbang ang paglalabas ng master list na may 5,365 benepisyaryo na may karagdagang 1,221 na pangalan sa isa pang probisyunal na listahan.

Paliwanag ng grupo, kailangang marebisa ang listahan dahil kasama ang Hacienda Luisita Inc. O HLI, korporasyon ng angkan ni Presidente Benigno Aquino, sa hiningan ng listahan ng DAR.

Ang pagkakasangkot ng HLI sa determinasyon ng mga tunay na benepisyaryo ay dahilan upang pagdudahan ang integridad ng listahan ng DAR, ayon pa sa KMP.

Panawagan ng magsasaka na balikan na lamang ang listahan ng mga nag-ambag ng lupa sa HLI sa iskemang stock distribution option noong 1989 bilang orihinal na talaan ng mga benepisyaryo.  [Nob. 4, 2012]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.