Transport strike sa Bicol matagumpay na nailunsad – Condor Piston

0
145
BICOLTODAY.COM FILE PHOTO
BicolToday.com File Photo

Operation Pacific Angel ng US tinutulan

LEGAZPI CITY (BicolToday.com/11-March-12) – Matagumpay na nailusad ang welgang transportasyon sa rehiyon Bicol kahapon ng  Concerned Drivers and Operators for Reform-Pagkakaisa ng Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (CONDOR-PISTON-BICOL)  laban sa patuloy na pagtaas na produktong petrolyo.

Sa inisyal na ulat mula sa lalawigan ng Sorsogon at Albay umabot sa 91.5% na total na paralisis ng mga pampublikong sasakyan, kasama rito ang bus, van, jeepney at tricycle.

Sa lalawigan ng Masbate, may 80 porsiyento na paralisasyon sa ilang malalaking bayan.

Samantala, sa lungsod ng Naga nagsagawa ng   picket-rally at flanking sa  Caltex at Shell Station ang Condor-Piston at Bayan. .

Sa Partido at Rinconada Area, sumama ang mga Opereytor at Driver sa isinagawang tigil pasada.

Ayon kay Ramon Rescovilla, tagapagsalita ng Condor-Piston-Bicol, an tigil-pasada ay isinagawa upang  tuligsain at kondenahin ang pagkagahaman ng mga dambuhalang kumpanya ng langis sa  labis-labis na tubo sa patuloy na pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Sinabi pa ni Rescovilla na ang welgang transportasyon ang organisadong tugon  ng mamamayang Bikolano sa patuloy na pagtaas ng preso ng produktong petrolyo at sa kawalang konsyensya at pagiging manhid ng kasalukuyang adminstasyon Aquino sa kahilingang ng sambayanan na  ibasura ang 12% Evat at ipawalang bisa ang Oil Deregulation Law.

Ito rin ang kulminasyon ng sama-samang pagkilos ng mamamayang Bikolano laban sa Operation Pacific Angel 12-1na isinagawa ng US Armed Forces (USAF) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na magtatapos sa  araw  na ito, pagtatapos ni Rescovilla. BicolToday.com

Copyright 2012 BicolToday.com. All rights reserved.  Read BicolToday.com Syndication Policy.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.