Inmate sa Sorsogon Provincial jail nakatakas

0
162
Mga inmates ng Sorsogon Provincial Jail. BicolToday.com File Photo
Mga inmates ng Sorsogon Provincial Jail. BicolToday.com File Photo

SORSOGON CITY (BicolToday.com/9-March-12) – Nakatakas ang isang inmate sa Sorsogon Provincial jail.Sa inisyal na report na natanggap ng BicolToday.com nakatakas noong Marso 7 pa si Romeo Maceres na may kasong robbery.

Ayon sa source, inilagay umano sa log book ng jail officer na under custody ang inmate si Maceres para hindi malaman na ito’y nawawala kung sakaling magsagawa mag head count.

Sa kasalukuyan wala pang opisyal na pahayag an pamunuan ng SPJ hinggil sa pagtakas ng naturang preso.

Matatandaan nitong lamang buwan ng Pebrero nasangkot sa isang kontrobersya ang SPJ matapos na mapatay sa saksak si Rommel Lanuza, prison mayor ng nasabing kulungan dahil umano’y sa mga kinasasangkutang nitong isyu gaya ng pananakit sa kapwa inmate.

Kasabay din nito ang pagkaka suspinde ni provincial jail warden Josefina Lacdang.

Sa ngayon patuloy nang pinaghahanap ang nakatakas na si Maceres.

Samantala, nanawagan ang mga inmate ng Sorsogon Provincial Jail kay Governor Raul Lee na imbestigahan ang ilang jail guard na diumano’y sangkot sa talamak na pagpapalusot ng alak, pagpapasugal at iba anomalya gaya ng labis-labis na pagkaltas sa pagpapadala at pagtanggap ng pera gamit ang smart padala. BicolToday.com

Related story:
Inmate patay sa riot sa Sorsogon Prov’l Jail

Copyright 2012 BicolToday.com. All rights reserved.  Read BicolToday.com Syndication Policy.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.