Inmate patay sa riot sa Sorsogon Prov’l Jail

0
68
Rommel Lanuza, Sorsogon Provincial Jail inmate and prison mayor. PHOTO BY Bicoltoday.com
Rommel Lanuza, Sorsogon Provincial Jail inmate and prison mayor. PHOTO BY BicolToday.com

SORSOGON CITY (BicolToday.com/27-Feb-12) – Nauwi sa trahedya at riot ang masayang pagdiriwang ng kaarawan ng isang inmate sa Sorsogon Provincial Jail (SPJ) matapos na pagsasaksakin kagabi.

Sa report ang biktima ay kinilalang si Rommel Lanuza, prison mayor ng SPJ na nagtamo ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Agad namang isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang itong ‘dead on arrival.

Ayon pa sa report, si Lanuza ay matagal nang inirereklamo dahil sa pananakit, pambubugbog at ibang pang pang-aabuso sa kapwa nitong preso.

Sinasabi rin na ang biktima ay sangkot din umano sa pagpapalusot ng iligal na bagay  sa loob ng kulungan gaya ng alak at ang  paglaganap ng ilang bisyo.

Samantala wala pang opisyal na pahayag ang mga opisyal ng Sorsogon Provincial Jail hinggil sa naturang insidente. BicolToday.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.