EDSA People Power 1, anino ng diktadura patuloy

0
51
Contributed Photo
Contributed Photo

Ni John S. Concepcion

LEGAZPI CITY (27-Peb-12) – Sa ika- 26 taong ng “EDSA 1 o “People Power” ang pag-aalsa ng mamamayan na  naging susi sa pagbagsak ng diktadurang US-Marcos kinikilala ang malaking tulong ng mga Liberal- Demokrata, tulad nina dating Pang. Corazon  Aquino, Sen. Lorenzo Tanada, Jose W. Diokno, Cardinal Sin at iba pa sa huling yugto ng marahas na Batas-Militar. Hindi dapat kalimutan ng kasaysayan ang 14-taon ng Batas-Militar, na ang mamamayang Pilipino at kilusang rebolusyunaryo ang nagsakripisyo, naglantad at nanguna sa paglaban sa pasistang diktadurang US-Marcos hanggang sa pagbagsak nito.

Subalit sa pakikialam ng US at ang mga kasabwat na mga lokal na burukrasya, muling inangkin ng mga naghaharing uri at mga taong nasa poder ng kapangyarihan (kasama na ang mga Cojuangco-Aquino) ang tagumpay ng mamamayang Pilipino. Nagawa ng makapangyarihang “Council of Trend”(mga grupong tumiwalag kay Marcos at nagdadala ng maka-US na patakaran) sa loob ng Gabinete ni Cory na mapatalsik ang mga makabayang opisyal ni Cory na inindorso ng mga masang organisasyong may malaking ambag sa pagbagsak ng diktador na si Marcos.

Pinatampok ang “Cory magic” at grupo nina Juan Ponce Enrile at Hen. Fidel V. Ramos (pangunahing nagsusulong ng maka-US na interes) bilang mga bagong bayani na nagbalik daw ng demokrasya at kalayaan. MAY DEMOKRASYA AT KALAYAAN BANG NAWALA AT NAIBALIK NG EDSA 1?

Contributed Photo

WALA! Hindi nagkaroon ng tunay na demokrasya at kalayaan ang Pilipinas kahit noong tayo’y binigyan ng Independencia ng US noong Hulyo 4, 1946. Nanatili ang kontrol ng Amerika sa larangan ng ekonomya, pulitika at militar sa gobyernong Pilipino. Nagawa nilang makapaglagay ng mga huwad na lider sa pamahalaan sa pamamagitan ng dayaan at moro-morong eleksyon. Kahit si Cory hanggang sa kanyang anak niya na si P’NOY ay may bas-bas ang U.S. kung bakit naging Presidente si Aquino at tiniyak ng Imperyalimong U.S. na magiging  tuta nila si P’NOY sa mga kagustuhan patakaran sa ekonomiya, pulitika at military. Kaya ang tagumpay lang ng EDSA 1 ay ang pagpapatalsik sa diktador na si Marcos at malantad ng todo-todo ang panghihimasok ng US sa larangang ng ekonomya, pulitika at militar sa ating bansa.

Kung gayon, ano ang inaasahan natin kay P’NOY?  Maliban sa “wang-wang” “Oplan Bayanihan” at ang unti-unting pagbabalik ng patakarang diktadura. Mabuti pa ang Corona palaging nakikita, ang tunay na  reporma sa lupa kahit sa hacienda Luisita man lang ay hindi matugunan ni P’NOY! Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis ,mga pangunahing bilihin, serbisyo sosyal tulad ng tubig, kuryente, pabahay, gamot, at iba pa nasaan na? Wala rin programa sa pagtaas ng sahod ng mga manggagawa bagkus ang tugon militarisasyon, demolisyon sa mga urban poor dwellers. Wala rin nagawa ang 4P’s ni P’noy at pantawid pasada ng mga super at halos pinagkakitaan pa ng ilang tao sa gobyerno.

Sa amo niyang Kano? Malinaw ang programa ni P’noy.Ipaubaya sa mga dayuhang kompanya ang malawakang pagmimina para nakawin ang ating likas yaman, pinatampok ang intrusion daw ng Tsina sa pinagtatalunang “Spratley Island” para makapang-himasok ang amo ni P’inoy na Estados Unidos. Sadsad na rin sa kahirapan ang taong-bayan na umabot na sa 52% nitong huling kwarto ng 2011. Pero Modernization sa military ay truloy-tuloy! Tuition Fee Increase ay tuloy-tuloy! Ngayon nasaan ang Matuwid na Daan, Kayo ang BOSS Ko! Napalitan na ito ng KKK  ( Kaibigan, Kaklase at Kabarilan).

Inuulan din ng protesta at reklamo ang mapanlinlang ngunit madugo at marahas na Oplan Bayanihan (OPB), ang kontra-insurhensiyang programa ni P’inoy. Nalantad at nahubaran ng balatkayo ang OPB ng mag-caravan ang higit 5,000 mamamayan, lulan ng kulang-kulang 200 sasakyan sa Kabikolan dahil sa pandarahas ng militar sa 11 barangay ng Guinobatan, Albay. Sinampahan din ng maraming kasong paglabag sa karapatang pantao ang militar mula sa 6 na lalawigan ng Bikol. (John S. Concepcion is the spokesperson of human rights group Karapatan based in Bicol region)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.