Pagpaslang sa grade school teacher sa Masbate kinondena ng ACT Bicol

0
179
Si Loida Pagatpat ay binaril at napatay mismo sa loob ng kanyang classroom sa Antipolo, Palanas, Masbate. Kontribusyong Larawan
Si Loida Pagatpat ay binaril at napatay mismo sa loob ng kanyang classroom sa Antipolo, Palanas, Masbate. Kontribusyong Larawan

LEGAZPI CITY (10-Peb-12) – Kinondena ng Alliance of Concerned Teachers-Bicol ang brutal na pamamaslang kay Loida Binigay Pagatpat 59 taong gulang, nagtuturo ng Grade V and VI  sa pampublikong paaralan ng Barangay Antipolo Bayan ng Palanas, lalawigan ng Masbate.

Si Loida Pagatpat ay binaril at napatay mismo sa loob ng kanyang classroom kahapon Pebrero 3, 2012 bandang alas 10:30 ng umaga. Nagtamo ang biktima ng dalawang tama ng calibre 45 sa ulo na kanyang ikinamatay mismo sa harap ng mag-aaral.

Ayon sa pahayag ng mga kasamahang guro dalawang tao na nakasakay sa motorsiklo ang pumasok sa loob ng silid aralan ni Pagatpat, bumati pa umanong ‘Good Morning’ at nag bitiw ng salita na may ipinabibigay sa kanya na regalo at bigla na lamang itong pinagbabaril. Agad na lumisan ang mga di nakilalang mga salarin matapos ang brutal na pamamaslang sa walang kalaban-labang biktima.

Patuloy pa rin na sinisiyasat ang tunay na motibo ng pamamaslang possible anila personal o napabilang sa mga naging biktima ng karahasan sa pulitika sa probinsya.

Ayon kay Ebenizer Almanzor, Regional Coordinator ng ACT-Bicol malinaw ang kawalaan ng respeto sa dignidad ng mga guro na hayagang gumagampan ng kanilang tungkulin at direktang nakikisalamuha sa kanayunan. Ang nagaganap na pamamaslang, kidnapping at intimidasyon sa hanay ng mga guro sa probinsyang Masbate ay patunay na hindi sila ligtas sa karahasan na inihahasik ng kabulukan ng sistema at agawan sa kapangyarihan ng mga pulitiko.

Nanawagan ang ACT-Bicol sa pamunuan ng DepeD-Masbate at local na pamahalaan ng Probinsyang Masbate na seryosohin ang pagtugon sa hindi na mabilang na karahasan na nagaganap sa hanay ng mga guro sa probinsya. Karamihan ng mga gurong biktima ng karahasan ay hindi man lang nabibigyan ng hustisya kabilang dito ang dalawang kasapi ng ACT na sina  Mark Francisco at Roel Gonzaga. BicolToday.com

Copyright 2012 BicolToday.com. All rights reserved.  Read BicolToday.com Syndication Policy.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.