Gang rape sa loob ng military camp sa Masbate kinondena ng Gabriela

0
63
Gabriela Secretary General Lana Linaban. Photo Courtesy Pinoyweekly.org
Gabriela Secretary General Lana Linaban. Photo Courtesy Pinoyweekly.org

LEGAZPI CITY (10-Peb-12) – Kinondena ng grupo ng kababaihan ang panggagahasa sa isang 21-anyos na dalaga sa loob ng kampo ng militar sa Masbate na kinasasangkutan ng pitong (7) sundalo sa ilalim ng 9th Infantry  Brigade na nakabase sa bayan ng Aroroy.

Ayon kay Lana Linaban, secretary general ng GABRIELA “Dapat na kagyat na imbestigahan ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ang  karumaldumal na krimeng ito,”

Nagbabala din ang GABRIELA sa Armed Forces of the Philippines na huwag makialam sa kaso dahil siguradong pagtatakpan lamang nila ang insidente at bibigyang proteksyon ang mga militar na sangkot gaya ng ginagawa nila sa iba pang kaso ng pang-aabuso.

Sinabi pa ni Linaban, samantalang pinangangalandakang ng AFP na sila ay tagapagtanggol ng mamamayan, , pinapabulaanan ito ng aktwal na mga kaso ng karahasan na sila ang may kagagawan . “Ginagamit nila ang kanilang posisyon at kapangyarihan subalit bantay salakay ang nagiging asta nila.”

Aniya, ang ganitong mga kaso ang nagbibigay ng dahilan sa grupo upang pag-aralan ang mga amyenda na dapat gawin sa Anti-Rape Law. “ Itutulak namin ang amyenda na magbibigay ng mas mabigat na pasura sa mga rapist na pulis at sundalo. Sa halip na maging tagapagtanggol, ginagamit nila ang tiwala at pondo na binibigay sa kanila ng  mamamayan para gumawa ng karumaldumal na krimen.  “wika pa ni Linaban.

Nanawagan ang grupo sa biktima at kaniyang pamilya na manitiling matatag sa harap ng mabigat na kalaban . Ayon kay Linaban “ Handa ang GABRIELA na suportahan ang biktima sa bawat hakbang para makamit ang katarungan”

Samantala, dinisarmahan at isinailalim na sa kustudya ng Bravo Company of the Army 9th Infantry Battalion ang suspek na kinilalang si Cpl. Gilbert Quinito alias “Jeric at anim na iba pa

Ito’y batay na rin sa reklamo ni Glenny (hindi tunay na pangalan) sa women’s desk office ng Aroroy PNP kung saan pinagsamatalahan siya ng naturang mga suspek sa loob ng Bravo Company ng Army 9th IB sa Barangay Puro, Aroroy. Masbate.

Ayon kay Army Major Angelo Guzman, hindi katanggap-tanggap sa aming orgnisasyon ang ganitong gawain, ngunit kailangan pa rin sundin ang proseso. Ang 9th Infantry Division ang makikipagtulugan sa anumang gagawing imbestigasyon ng PNP.

“Hindi namin hahayaan ang ganitong maling asal ng aming mga sundalo. Bilang sundalo dapat na ipakita nila ang mataas na antas ng pag-uugali, decency at integrity”, ayon pa kay Guzman.

Ayon naman  kay Lt. Col. Julian Pacatan, commanding officer  ng 9th IB na nakabase sa Masbate na ang suspek na si Cpl. Gilbert Quinito ay dinisarmahan at nasa kanilang kustudya na.

Sa kabilang dako, nanawagan ang GABRIELA sa biktima at kaniyang pamilya na manitiling matatag sa harap ng mabigat na kalaban . Ayon kay Linaban “handa ang GABRIELA na suportahan ang biktima sa bawat hakbang para makamit ang katarungan”. BicolToday.com

Copyright 2012 BicolToday.com. All rights reserved.  Read BicolToday.com Syndication Policy.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.