Simbahan, NGO’s, cause oriented groups nagkaisa laban sa geothermal

3
1348
Sorsoganon tutol sa pagtatayo ng geothermal power plant sa Mt. Bulusan. Kuhang lawaran ng BicolToday.com
Sorsoganon tutol sa pagtatayo ng geothermal power plant sa Mt. Bulusan. Kuhang lawaran ng BicolToday.com

SORSOGON CITY (BicolToday.com/07 Dec. 2011) – Libu-libong Sorsoganon ang lumahok sa kilos-protesta laban sa geothermal project sa lalawigan na ginanap kahapon sa freedom park capitol compound kasabay ng isinasagawang committee hearing ng Sangguniang Panlalawigan hinggil sa naturang proyekto.

Pinangunahan ng diosesis ng Sorsogon, environmentalist group, non-government (NGO’s) organizations, peoples organizations (PO’s) at cause oriented groups  ang pagtitipon kung saan inilahad ng mga ito ang mahigpit na pagtutol sa geothermal project.

Partikular na tinukoy dito ang magiging epekto sa kabuhayan at kalusugan ng mga tao sa oras na payagan ng mga lokal na pamahalaan ang proyekto.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Peter Gallanosa, pangulo ng Irosin Coalition Against Geothermal (ICAG) na walang kabutihang maidudulot sa kanilang bayan ang plantang geothermal kundi pagkawasak ng kabundukan at kabuhayan ng mga magsasaka kung saan tinaguriang ‘rice granary’ ang Irosin.

“Sa kanila ba ang SP? Tayo ang naghalal sa kanila kaya’t dapat silang magsilbi sa mamamayan at dinggin ang ating mga karaingan”, diin ni Gallanosa.

Sinabi naman ni Ginang Baby Escote, miyembro ng Alyansa Laban sa Lason ng PNOC (ALIS-LAPNOC) na huwag nating hintayin pa ang nangyaring sa aming lugar na nasalanta ng matinding pagragasa ng tubig mula sa BacMam Geothermal Power Plant sa lungsod ng Sorsogon.

Mga kabataan estudyante nakiisa sa pakipaglaban para sa kanilang kinabukasan. Kuhang larawan ng BicolToday.com

“Nawalan ng kabuhayan ang daan-daang mangingisda sa Sorsogon Bay dahilan sa kemikal na umaagos mula sa planta”, ayon pa kay Escote.

Dinagdag pa nito na halos tatlong taon silang nagtitiis, walang regular na kita, ang iba naman ay napipilitang isanggla o ibenta ang ari-arian.

Ang masaklap pa nito maraming mag-estudyante ang humito sa pag-aaral dahilan hindi na kayang tustusan ng magulang ang kanilang matrikula, pagtatapos ni Escote.

Samantala sa ginanap na committee hearing ng Sangguniang Panlalawigan, sinabi ng Alyansa Laban sa Abuso sa Bulkang Bulusan (ALABB) wala silang maaasahan sa ilang pulitiko na isulong ang interes na mamamayan laban sa pagwasak ng kalikasan at kabuhayan.

Walang ring ipinalabas na posisyon ang SP matapos ang hearing at naging daan lamang ng ilang miyembro ang pagpupulong sa kanilang ‘grandstanding’, ayon pa sa ALABB.

Dinagdag pa ng mga ito na walang rin pakinabang ang Committee on Environment and Natural Resources ng SP na pinangungunahan ng chairman nitong si Board Member Rebecca Aquino.Walang kongretong panukala na isinusulong sa sanggunian ang naturang opisyal para protektahan ang likas na yaman.

Sa kabilang dako, bahaya naman nagkaroon ng tensiyon sa pagsisimula ng programa matapos na sitahin ng pulisya ang mga nagdalo sa kilos-protesta at pilit na pinapaalis sa harap ng kapitolyo. Kung sinabi ng pulisya na kakasuhan ng alarm and scandal kung magse set-up ang mga ito ng sound system.

Ngunit wala ring nagawa ang mga pulis sa paggigiit ng mga karapatan nito na ihayag ang kanilang saloobin sa gobyerno batay na rin sa itinatadha ng Saligang Batas. BicolToday.com

Copyright 2011 BicolToday.com. All rights reserved.  Read BicolToday.com Syndication Policy.

3 COMMENTS

  1. Commercialism dismays people’s disposition and future!

    I felt being proud as Sorsoganon… what they acted is a drum-beat to the business entities connected to the greed-concept project and to the National and Local Government Officials. May this endeavor will bring good results for the oppressed areas and citizens especially Sorsogon.

    Keep fight for what is right, Sorsoganon! 🙂

  2. Commercialism dismays people’s disposition and future!

    I felt being proud as Sorsoganon… what they acted is a drum-beat to the business entities connected to the greed-concept project and to the National and Local Government Officials. May this endeavor will bring good results for the oppressed areas and citizens especially Sorsogon.

    Keep fight for what is right, Sorsoganon!

  3. Mabuhay ang mga Sorsoganon for being courageous and principled in standing up for their rights! It just shows the resolved of the citizenry to fight for their God-given right as stewards of the resources given by God to the people of Sorsogon. Those with ears, LISTEN!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.