Epekto ng mining at geothermal tinalakay sa isinagawang forum sa Irosin

4
425
Si Dra. Precy Gante habang nagtatalakay ng epekto ng geothermal sa kalikasan at kalusugan ng tao. Kuhang larawan ng BicolToday.com
Si Dra. Precy Gante habang nagtatalakay ng epekto ng geothermal sa kalikasan at kalusugan ng tao. Kuhang larawan ng BicolToday.com

IROSIN, Sorsogon (BicolToday.com/27 Nov. 2011) – Dinaluhan ng daan-daang estudyante, propesyunal, magsasaka at taong simbahan ng isinagawang forum hinggil sa pagminina at ang epekto nito sa kapaligiran, kalusugan at ekonomya.

“Walang magandang maidudulot ang geothermal at pagmimina kundi ang pagkasira ng kalikasan.  Ang makikinabang lamang dito yaong mga lokal at dayuhang kapitalista”, ito ang naging pahayag ni Rev. Fr. Michael Imperial

Aniya’y mas malulugmok lamang sa kahirapan ang mga mamamayan sa mga lugar kung saan naroon ang eksplorasyon at pagminina. Hindi rin direktang makikinabang ang mga tao sa pag-unlad kundi ang panandalian lamang na kita gaya ng pagbebenta ng lakas paggawa, pagtitinda at magdadala lamang ito ng mga anti-sosyal ng gawain sa lugar, ngunit hindi ang sustenableng kabuhayan.

Inihalintulad nito ang mga nangyari sa lugar ng pinagtayuan ng geothermal gaya ng Tiwi sa Albay at ang Bacon Manito Geothermal Project sa Sorsogon na nagdulot ng pinsala sa kabuhayan gaya ng pagkalason ng ilog at mga sakit sa balat dala ng kemikal ng iniluluwa ng planta.

Sinusugan din ito ni Dr. Precy Gante, isang dalubhasa kung saan maaring makuha din sa lugar ng eksplorasyon ang chronic arsenic poisoning gaya ng mga naisa-dokumento sa Estados Unidos.

Batay sa estadistika, ang may pinakamataas na kahirapan sa bansa ay nasa sektor ng pagmimina. Sa pag-aaral ni Dean Arsenio M. Balisacan ng University of the Philippines (UP) School of Economics tumaas na mahigit sa 74% mula noong 1988. Tingnan sa talaan.

Poverty Incidence (Population), 1988 – 2009, (in %)

Group:Sector

1988

1991

1994

1997

2000

2003

2006

2009

Agriculture

56.33

54.61

51.15

47.10

48.28

46.10

47.84

47.92

MINING

27.84

28.63

30.22

29.50

34.80

41.27

34.64

48.71

Manufacturing

24.29

22.13

15.71

13.72

14.96

14.51

16.19

17.79

Utilities

8.73

11.41

8.23

7.58

4.43

4.12

7.44

3.23

Construction

37.21

34.70

29.40

22.27

25.83

21.49

25.19

24.52

Trade

21.42

21.31

15.77

13.34

12.89

10.72

13.87

13.12

Transport & Communication

27.28

20.89

18.45

14.33

15.16

12.79

15.62

18.25

Finance

10.21

9.27

4.85

3.60

7.37

4.83

4.13

2.54

Services

17.42

15.09

12.35

9.76

9.56

9.06

12.41

11.94

Source: PDI Vol. 26 No. 350 Nov. 25, 2011

Samantala, inilunsad din ng Alyansa Laban sa Abuso sa Bulkang Bulusan (ALABB) ang petition signing para sa kagyat na pagpapatigil ng geothermal exploration sa mga bayan ng Bulusan, Irosin, Juban at Casiguran.

Ayon sa ALABB, ang anumang abuso na gagawin sa palibot ng Mt. Bulusan ay ibabalik sa atin ng bulkan na may nag-aalab ng galit at tiyak na magdudulot ng matinding pinsala at kapahamakan. BicolToday.com

Copyright 2011 BicolToday.com. All rights reserved.  Read BicolToday.com Syndication Policy.

4 COMMENTS

  1. Why is there almost no news or articles here in any of the bikol languages? This online news should be renamed Tagalog-EnglishToday.com

  2. I agree! Mining is not the answer to poverty, otherwise those places with mining going should the most progressive places in our country and people’s needs met. So it follows the logic that mining is not the answer. Our country, one of them Matnog, is very rich is many more resources that can be harnessed and developed to help the economy of the place and improve the people’s quality of life….if, and if the people and the government work together, not (some) people in government acting as if they are rulers and the people are their subject who are expected to conform or else……Ours is still a government by the people, of the people, and by the people. So, the people’s voice should still be the supreme authority, not those politicians who, mostly, have bought the position that they hold then act as if the people owe them! and act is if they are not accountable to anybody!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.