Kumpanya ng mina sa Matnog lumayas na, ‘peoples mining’ isusulong

3
1260
Isa-isang lumisan ang mga heavy equipment ng TR Ore habang nagbubunyi ang mga residente ng Matnog. Photo by BicolToday.com
Isa-isang lumisan ang mga heavy equipment ng TR Ore habang nagbubunyi ang mga residente ng Matnog sa kanilang matagumpay na protesta. Photo by BicolToday.com

MATNOG, Sorsogon (BicolToday.com/25 Nov. 2011) – Tuluyan nang lumisan ang TR Ore Company sa Barangay Balocawe ng bayang ito nitong ika-22 ng Nobyembre matapos ang mahigpit na pagtutol ng Alyansa Laban sa Mina sa Matnog  (ALMMA) at ng mga residente.

Naging matagumpay ang ginawang barikada ng anti-mining group sa loob ng mahigit tatlong buwan na nagdulot ng milyon-milyong pagkalugi ng naturang mining company.

Nagbunyi ang Matnogueno nang isa-isang ibinaba mula sa bundok ng Balocawe ang mga backhoe at grader na ginagamit sa malakihang pagmimina.

Nakipagmatigasan ang mga opisyal ng TR Ore na bubuwagin nila ang barikada, ngunit sa huli ay nanaig ang pagkakaisa at sama-samang pagkilos mamamayan kung kaya’t  napilitang lumisan na ang naturang kumpanya.

Una rito ay sinampahan ng kasong paglabag sa batas ng pagminina sina DENR Secretary Ramon Paje, Governor Raul Lee, Director Reynulfo Juan ng Mines and Geosciences Bureau at iba pa sa Regional Trial Court Branch 53.

September 16, 2011 – Ibinasura ni Judge Rofebar Gerona ang Civil Case No. 2011-8338, for continuing mandamus, damages, attorneys fees with prayer for the issuance of Temporary Environment Protection Order (TEPO).

Kasunod nito nagsampa ng mosyon si Atty. Joven Laura na humihiling ng mag-inhibit si Judge Gerona sa kaso dahilan sa pagiging political protégée o supporter ni Governor Lee.

Sa kanilang prayer “…everybody probably in Sorsogon that the Honorable Judge (Gerona) had been a political supporter of Governor Lee for quite sometimes before his assumption to office as the Presiding Judge of Regional Trial Court Branch 53, … the Honorable Judge previously ran for Board Member and then congressman under the political party of Governor Lee.” This is undeniable facts which the honourable judge cannot escape his bias,” ayon pa sa kanila.

September 20, 2011 – Nagpalabas ng order si Judge Gerona at sinabi nito “he had ceased to be associated with Governor Raul Lee since the year 2007 and that his previous political association with him notwithstanding, he could still fully discharged his judicial function with the cold mutuality of impartial judge”.

Dinagdag pa nito, “in order to erase or dispel any doubts on his objectivity and impartiality, undersigned hereby voluntarily inhibits himself from the case.”

Dahil dito ang kaso ay nailipat sa sala ni RTC Branch 52 Judge Victor Gella bilang  pairing judge sa mga environmental cases.

October 18, 2011 – Nagpalabas ng order si Judge Victor Gella na nagbabasura sa Civil Case No. 2011-8338  at mosyon na isinampa ng National Union of Peoples Lawyer (NUPL) sa pamamagitan ni Atty. Laura.

November 8,2011 – Nagsampa ng petisyon ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan Sorsogon) sa Supreme Court for Review on Certiorari Under Rule 45.

“The issues raised by the petitioner was premise that the Regional Trial Court committed reversible error in interpreting the provisions of Section 3 and 6 and Rule 2, of the rules and procedure for environmental cases; that the Regional Trial Court committed reversible error when it interpreted the provisions of Section 2, Rule 8 of the Rules of Procedures for environmental cases as applicable in the complaint in civil case no. 2011-8338 for purpose of determining jurisdiction, and that the Regional Trial Court committed reversible error when it interpreted the law on exhaustion of administrative remedy/doctrine of primary jurisdiction to be applicable in the complaint in civil case no. 2011-8338.”

Sa kasalukuyan ay nakamatyag pa rin ang ALMMA sa magiging takbo ng kanilang petisyon sa korte suprema.

Layon din ng naturang grupo ang pagsusulong sa ‘peoples mining’ kung saan direktang makikinabang sa likas na yaman ang mamamayan ng Matnog at nang buong lalawigan. BicolToday.com

Related stories:

DENR Sec. Ramon Paje, Gov. Raul Lee, 9 others charged for violations of mining law

Judge Gerona must inhibit – Matnog anti-mining group

Judge Gerona inhibits self in Matnog iron ore mine case

Court dismiss anti-mining case against DENR Sec. Paje, Gov. Lee and others

Anti-mining group questions RTC decision of mining case at Supreme Court

Copyright 2011 BicolToday.com. All rights reserved.  Read BicolToday.com Syndication Policy.

3 COMMENTS

  1. God bless the people that have stood strong behind this campaign against mining in Matnog. This shows the world that Matnoganons are people with a strong resolve, strong, stands for what they believe in. The people have spoken. People in government pay attention!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.