Libing ni Almocacid dinaluhan ng daan-daang katao, katarungan sigaw ng pamilya

0
186
Dinaluhan ng daan-daang katao ang libing ng estudyanteng si aesybil Lim Almonacid ng Bicol University na biktima ng rape-slay. Kuhang larawan ni Willy Salazar
Dinaluhan ng daan-daang katao ang libing ng estudyanteng si Laesybil Lim Almonacid ng Bicol University na biktima ng rape-slay. Kuhang larawan ni Willy Salazar

Ni Willy Salazar

LEGAZPI  CITY (05 Nov. 2011) – Inihatid na sa huling hantungan ang labi ni Laesybil Lim Almonacid 19 anyos, estudyante ng Bicol University na naging biktima ng karumal dumal na krimen sa Bascaran, Daraga, Albay.

Iniikot mismo harapan ng military detachment ang labi ni Laesybil, kung saan malapit lamang sa bakod nito ang lugar na kinatagpuan ng bangkay ni biktima.

Nagmotorcade ang grupo mula sa Bascaran, Daraga, patungo sa loob ng Bicol University, sa paglabas nito sa naturang unibersidad, saglit itong tumigil sa harapan ng Camp Heneral Semeon Ola.

Habang nasa harapan ng kampo ang grupo, nagpapatugtog naman ng malakas ang kapulisan kung saan isinasagawa ang programa ng mga kabataang estudyante para isigaw ang katarungan para sa  biktimang si Laesybil.

Mula sa Camp Simeon Ola, ang labi Laesybil ay idiniretso sa Binitayan Catholic Cemetery, sa Binitayan, Daraga, Albay sa kaniyang huling destinasyon.

Minsan din akong nangarap

Si Laesybil ay kilala ng kaniyang mga kaklase bilang isang tahimik at mabait na kamag aaral, matalino, at mayroong malawak na pangarap para sa kaniyang sarili at sa kaniyang mga mahal sa buhay, lalo na sa kaniyang lola Angelina na siyang nag aruga at nagpalaki sa kaniya. Tulad ni Laesybil at ng kaniyang pamilya, marahil lahat tayo ay minsan ding nangarap na sa bawat kabiguan ay mayroong hapding nararamdaman.

Ang kabiguan ng pamilya Almonacid sa kanilang mga pangarap ay higit na mahapdi, dahil ang pagkawala ni Laesybil ay hindi naaayon sa kagustuhan ng panahon, ito ay sanhi ng kasakiman ng iilang nilalang na kampon ng kasamaan. Hindi ito matanggap ng kaniyang pamilya,mga kaibigan, mga ka klase at mga taong nagmamahal kay Laesybil. Bakas sa mga mukha ng lahat ang hangarin na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Laesybil,

Ang bawat hikbi at paghihinagpis ni lola Angelina at ng ina ni Laesybil ay tumatagos sa puso ng bawat isa na sumaksi sa paghahatid kay Laesybil, at isa rin ako sa mga sumaksi sa pinakahuling yugto ng minsang nangarap na si Laesybil. habang pinagmamasdan ko ang mukha ng bawat isa, makikita ang naghahalong poot, galit at panghihinayang sa sinapit ni Laesybil, kagaya ng paghalo ng pawis at luha habang inihahatid si Laesybil sa kaniyang magiging permanenteng himlayan, at sa bawat paghuhumiyaw ni lola Angelina, ramdam na ramdam ng lahat ang hapdi dahil minsan din silang  nangarap at dumanas  ng kabiguan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.