Manindigan, tuloy ang laban sa mina – Bishop Bastes

0
58
Sorsogon Bishop Arturo Bastes sa kanyang pagdalaw sa mga nagbabarikada laban sa mina sa Matnog. Photo by BicolToday.com
Sorsogon Bishop Arturo Bastes sa kanyang pagdalaw sa mga nagbabarikada laban sa mina sa Matnog. Photo by BicolToday.com

By BicolToday.com Staff

MATNOG, Sorsogon – Nagpahayag ng buong suporta si Sorsogon Bishop Arturo Bastes sa mga nagbabarikada sa laban sa iligal na operasyon ng mina sa Barangay Balocawe.

‘Tuloy ang laban sa pagpapatigil sa mina’, pahayag ng butihing Obispo sa kanyang talumpati sa pagbisita nito sa mga nagbabarikada.

Ayon kay Bishop Bastes dapat na maninidigan ang mamamayan upang labanan ang mga sumisira sa kalikasan at ang mga taong kasabawat upang mapanatili operasyon ng minahan.

Inihayag din ng Obispo na kanyang pagkalungkot sa mga idinudulot na sakuna sa mga lugar kung saan naroon ang minahan. Partikular na tinukoy nito ang pagsira ng biodiversity kung saan naroon din ang ibat-ibang uri ng mga hayop o endangered species na namimiligrong mawala ang mga ito.

Tinukoy din ni Bishop Bastes na unti-unti ring mawawala ang mga bukal na siyang pinagkukunan ng malinis na inumin ng mga residente. Magkakaroon din siltation o pagbaba ng lupa mula sa mga sinirang kabundukan tungo sa mga ilog, lawa at ibang pang daluyan ng tubig.

Inihalimbawa din ng Obispo ang nangyaring fish kill sa bayan ng Rapu-Rapu dulot ng mga kemikal ng ginagamit sa pagmimina at mga sakit na maari ring idulot nito.

Samantala, ikinatuwa rin ng Alyansa Laban sa Mina sa Matnog (ALMMA) ang ginawang pagdalaw ng Obispo sa barikada.

Ayon sa ALMMA isang malaking karangalan at tulong para sa kanila ang pagsuporta ng simbahan, inaasahan din nila ang pakikiisa ng ibat-ibang sektor, mula sa mga residente na apektado ng minahan, maralitang mga taga-lungsod, estudyante, propesyunal, negosyante at maging ang ibat-ibang relihiyon na nagmamalasakit at may pagmamahal sa kalisakasan. BicolToday.com

Copyright 2011 BicolToday.com. All rights reserved.  Read BicolToday.com Syndication Policy.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.