Pro-mining officials ng Sorsogon walang malasakit sa kalikasan – ALMMA

0
173
Mga residente ng Barangay Balocawe, Matnog, Sorsogon at karating barangay ay patuloy na nagsasagaWa ng piket sa harap ng munisipyo sa pagtutol at tuluyang pagpapasara ng ilegal na operasyon ng mina sa kanilang bayan. Kuhang larawan ng BicolToday.com
Mga residente ng Barangay Balocawe, Matnog, Sorsogon at karating barangay ay patuloy na nagsasagaWa ng piket sa harap ng munisipyo sa pagtutol at tuluyang pagpapasara ng ilegal na operasyon ng mina sa kanilang bayan. Kuhang larawan ng BicolToday.com

Judge Gerona itinanggi ang kaugnayan kay Gov. Lee

SORSOGON CITY (Bicoltoday.com/Oct. 06, 2011)– Walang pagmamahal sa kalikasan ang mga opisyal ng Sorsogon na pabor sa pagmimina na lantarang sumisira sa likas na yaman at pinakikinabangan ng mga dayuhang kapitalista, ito ang madiing pahayag ni Fernando Garrate, pangulo ng Alyansa Laban sa Mina sa Matnog (ALMMA).

Nagpupustura lamang na tagapagtaguyod sina DENR Sec. Ramon Paje, Gov. Lee at ibang opisyal sa interes ng mga dayuhang mamumuhunan kaysa isipin ang kinabukasan ng susunod na henerasyon, ayon pa kay Garrate.

Ikinatuwa rin ng ALMMA ang naging pasya ni Regional Trial Court Judge Rofebar Gerona na mag-inhibit sa pagdinig sa kasong ‘Continuing Mandamus, Damages, etc.’ na isinampa nila laban kay DENR Secretary Paje, Gobernador Raul Lee at siyam na iba pa.

Inakusahan ng naturang grupo si Judge Gerona sa pagiging malapit at dating political protégée ni Gobenador Lee, kung kaya hiningi nila sa korte na mag-inhibit ito sa kaso.

Sa kanilang mosyon na isinampa sa RTC Branch 53 nakasaad na “undersigned knows fully wekk, as well as everybody probably in Sorsogon that the Honorable Judge had been a political supporter of Governor Lee for quite sometimes before his assumption to the office as the Presiding Judge of the Regional Trial Court Branch 53. In fact, the Honorable Judge previously ran for Board Member and then congressman under the political party of Governor Lee”.

Bagamat umurong na si Gerona sa pagdinig sa kaso, malakas pa rin ang paniniwala ng ALMMA na hindi pa rin maisasantabi ang association ng huwes sa gobernador.

Sa inilabas na order ni Gerona sinabi nito na “let it be stated herein that undersigned presiding judge had ceased to be associated with Governor Lee since the year 2007 and that his previous political associations with him notwithstanding, undersigned could have fully discharged his judicial function with the cold mutuality of impartial judge. Nevertheless, in order to erase or dispel any doubts on his objectivity and impartiality, undersigned voluntary inhibits himself from this case.

Naniniwala rin ang grupo na malaki ang impluwensiya ng gobernador sa hudikatura, kung kaya’t hindi sila umaasa na gugulong ang kanilang kaso sa lokal na korte sa lalawigan.

Sinabi pa ng ALMMA na kahit alam nilang may mga malalaking tao ang masasagasaan sa pagsampa nila ng kaso ito’y kanilang ginagawa alang-alang sa kapakanan ng mamamayan ng Matnog at ng boung lalawigan sa kabuuan.

Samantala sinabi ni Atty. Joven Laura, abogado ng mga nag-aakusa na igagalang nila kung ano ang ilalabas na resolusyon ni Judge Victor Gella. Ngunit nanindigan ito na kanilang ipagpapatuloy ang laban kahit na umabot pa ito sa Korte Suprema.

Sinusugan naman ito ng anti-mining group na tuloy ang kanilang laban para lamang masawata ang pag-aabuso ng mga pulitiko sa kanilang pwesto.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang piket sa harap ng munispyo ng Matnog. Ayon sa ALMMA na kanila lamang ititigil ang piket kung sakaling dinging ng korte at mga local na opisyal ang kanilang panawagan na itigil ang operasyon ng mina sa kanilang bayan.

Samantala, hindi na ikinagulat ng ALMMA ang paninindigan ni Gobernador Lee sa pagiging pro-mining nito dahil na rin duimano sa political considerations at mga pabor o pakinabang mula sa mining companies.

Ayon sa kanila anumang anggulo tingnan ay illegal ang ginawa ng opisyal na bigyan ng permiso ang Antonnes Enterprises upang makapagmina, batay na rin sa kanilang ebidensiya na isinumite sa korte. BicolToday.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.