Transport groups sa Bicol maglulunsad ng picket, dialogue sa LTO

0
79
BICOLTODAY.COM FILE PHOTO
Piston Presscon. Photo by BicolToday.com

Peñafrancia celebration isinaalang-alang  sa pagpaliban ng transport strike

SORSOGON CITY (BicolToday.com/Sept. 18) – Inihayag ng transport groups sa Bicol na hindi sila magsasagawa ng transport strike o tigil pasada ngayong araw ng Lunes (Setyembre 19) bilang pakikiisa sa pagtatapos ng selebrasyon ng Peñafrancia.

Kung saan libo-libong deboto ang dadalo at mag-aalay ng kanilang panalangin sa ‘Mahal na Ina’ ang maaring maapektuhan kung sakalaling ituloy ang tigil-pasada.

Matatandaan na unang nang nagsagawa na isang malawang tigil-pasada sa Bicol ang Piston at iba’t-ibang transport groups nitong nakaraang Agosto 31, 2011 kung naging matagumpay ito. (See related story)

Ayon kay sa Concerned Driver and Operator for Reform at Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (Condor-Piston-Bicol) na magsasagawa na lamang sila ng picket sa harap ng mga gasoline station at oil depot ng mga kumpanya ng langis sa lungsod ng Legazpi at ibang pang lalawigan.

Magsasagawa rin sila ng cavaran at pakikipag diyalogo sa mga opisyal ng land transportation office o LTO sa rehiyon.

Sinabi ni Eduardo Ferreras,  officer-in-charge ng Condor-Piston Bicol nais nilang magbigay linaw ang mga opisyal ng naturang tanggapan hinggil sa palpak na implementasyon ng Pantawid Pasada program. Kung saan halos walumpung porsiyento (80%) na may hawak na card ay hindi pa nakakakuha ng cash o dili kaya’y wala pang lamang cash.

Problema din ng ilang may hawak na card kung papano nila ito makukuha dahilan wala naman swipe machine ang mga gasoline station sa rehiyon.

Idinadaing din ng mga tsuper at operator ng mga public utility vehicle ang pangongotong ilang flying squad ng LTO at paglipana ng mga fixers sa mga tanggapan nito.

Ipinanawagan ni Ferreras na resolbahin ng pamunuaan ng LTO ang ganitong kalakaran sa naturang ahensiya. BicolToday.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.