Catanduanes isinailalim sa State of Calamity

0
91
Photo courtesy en.wikipilipinas.org
Photo courtesy en.wikipilipinas.org

VIRAC, Catanduanes – Isinailalim sa ‘State of Calamity’ ang buong lalaiwgan ng Catanduanes matapos masalanta ang halos lahat ng bayan nito ng malalakas na pag-ulan at pagbaha dulot ng bagyong “Juaning”.

Sa pulong ng Sangguniang Panlalawigan kahapon, Hulyo 26, 2011 pormal na ideklara ang State of Calamity ang buong lalawigan para makapagbigay ng kinakailangang asistensya sa mga nasalanta ng pagbaha ang mga local na pamahalaan.

Sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), aabot sa lima ang mga namatay at dalawang mangingisda ang napaulat na nawawala sa paghagupit ni bagyong Juaning.

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin madaanan ang mga kalsada papuntang Caramoran, Pandan, Viga, Payo at Bagamanoc dahil sa mga landslides o pagguho ng lupa.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) District Engineer Ignacio T. Odiaman, patuloy umanong nagsasagawa ng clearing operation ang kanyang mga tauhan katuwang ang mga personnel ng Provincial Engineering Office (PEO).

Kaugnay nito, nagsagawa na rin ang iba’t-ibang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Councils ng 11 bayan ng lalawigan ng relief distribution sa mga apektadong pamilya.

Pinagunhan rin ni Governor Joseph C. Cua ang pagbibigay ng relief goods sa iba’t-ibang barangay sa kabiserang bayan ng Virac.

Nakipag-ugnayan na rin si Vice Governor Jose J. Teves Jr. sa ilang senador hinggil sa relief operations at ayon sa opisyal ay nangako na umano ngtulooong sina Sen. Gregorio Honasan at Sen. Alan Peter Cayetano.

Pinahayag naman ni Congressman Cesar V. Sarmiento na nakikipagtulungan na rin umano ang kaniyang tanggapan sa pamahalaang panlalawigan ng Catanduanes para sa mga kinakailangang tulong para sa mga mamamayan ng Catanduanes.

Dahil sa pananalsa ng bagyong Juaning, mahigit 24 na oras nawalan ng kuryente ang malaking bahagi ng probinsiya. Ayon naman sa First Catanduanes Electric Cooperative Inc. (FICELCO), sinisikap umano nilang maibalik ang serbisyo at suplay ng kuryente sa buong lalawigan ngayong hapon. ### (Edna Bagadiong)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.