People’s SONA ikinasa ng mga Bicolano

0
341
BicolToday.com file photo
BicolToday.com file photo

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ng SONA ng Mamamayan ang iba’t-ibang progresibong grupo sa rehiyon Bicol na pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan-Bikol) ngayong araw.

Ayon kay Tessa Lopez, tagapagsalita ng Bayan-Bikol na wala silang nakitang pagbabago sa loob ng isang taong panunungkulan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino. Hindi nito natugunan ang mga binitiwang pangako sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA).

Mas binigyang pansin ng administrasyong Aquino ang pagkayupapa sa mga dayuhan sa pamagitan ng kanyang isinusulong ng Public Private Partnership kung saan naging malakawan ang dislokasyon ng mga maralitang taga lungsod, habang nagbibigay lamang ng pili at maliitang panlipunang programa gaya ng Conditional Cash Transfer, ayon pa kay Lopez.

Dinagdag pa ni Lopez na ipinagpatuloy lamang ni Aquino ang polisiya ng globalisasyon sa ilalim ng Philippine Development Plan. Hindi rin napigilan nito ang pagtaas at paglaki ng mga bayarin sa eskwela habang kakarampot pa rin ang badyet na inilalaan ng gubyerno sa edukasyon. Hindi rin masolusyunan ang ang kawalang ng guro, silid-aralan at mga kagamitan sa eskwela. Nagbabadya rin ang pagpapatupad ng K+12 program o ang pagdagdag ng dalawang taon sa high school.

Susi sa pagresolba ng krisis sa ekonomiya ng bansa ang pagbaklas sa imperyalistang globalisasyon na may iskemang liberalisasyon, derugulasyon at pribatisasyon. Ang pagsasabansa ng ating likas na yaman at pagsusulong ng tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisayon ang magwawakas ng kahirapan, kagutuman at kawalan ng trabaho ng mamamayan, pagtatapos ni Lopez. BicolToday.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.