Unang taon ni PNoy walang pagbabago – Piston

0
175
(Mula sa kanan) Si Piston Secretary General Jorge San Mateo habang kapanayam ni Elmer Jarabejo ng dzMS Sorsogon hinggil sa isyu ng mga tsuper sa Bicol region. Photo by BicolToday.com
(Mula sa kanan) Si Piston Secretary General George San Mateo habang kapanayam ni Elmer Jarabejo ng dzMS Sorsogon hinggil sa isyu ng mga tsuper sa Bicol region. Photo by BicolToday.com

SORSOGON CITY – Walang naramdamang pagbabago ang mamamayan sa unang taon ng panunungkulang ni Pangulong Benigno Aquino, ito ang damdamin ng mga tsuper sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa kanyang personal na pagdalaw sa lalawigan sinabi ni George San Mateo, secretary general ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON)  na taliwas sa sinasabi ng pangulo ang tuwid na landas at tunay na pagbabago pero hindi po ito naramdaman ng mga tsuper at mamamayan.

Ayon kay San Mateo ang pinaka ‘glaring’ rito ang pagpapaka inutil ni pangulong Aquino na kontrolin ang presyo ng petrolyo sa pamamagitan ng pagbasura ng oil deregulation law at pagtanggal sa 12% value added tax. (Watch Video Interview)

Pantawid Pasada pogi points ni Pnoy

Si George San Mateo sa kanyang pagbisita sa tanggapan ni Ginoong Andy Espinar, Station Manager dzMS. Photo by BicolToday.com

Sa halip na dingging ni Aquino ang tunay na hinaing ng mga tsuper, ang ipatupad niya ay ang Pantawid Pasada na para sa PISTON itoy isang dole-out at pinapahirapan pa ang mga tsupr na kunin ang card at ang ilan naman na may card ay walang pondo. Sa maraming bahagi ng bansa, marami po tayong nakuha o natanggap na reklamo na kakaunti na nga ang nakuha, hindi pa magamit dahil marami sa mga gasoline station sa mga probinsya ay walang machine, ani’y San Mateo.

Sinabi ni San Mateo, na malayo sa katotohan na mareresolba ng Pantawid Pasada program ang problema sa transport sector. “Kung ihahalimba natin sa isang analogy para bang ang isang batang nagugutom ang ibinigay mo ay kendi. Ganyan ang katangian ng pantawid pasada. Ang layunin po niyan ay hindi talaga para tulungan ang mga tusper kundi para e prompt-up ang image ni pangulong Aquino”, dagdag pa ni San Mateo.

Kalagayan ng tsuper lumubha

“Ang naibunga sa isang taong pag-upo ni Pnoy lalong lumubha ang kalagayan ng mga tsuper. Actually nung tumuntong si pangulong Aquino sa pwesto nasa 32.00 lang ang diesel ngayon ang diesel sa metro manila ay 46 pesos na mas mataas pa ng 3 to 5 pesos more sa mga probinsya. Habang lumalayo ka sa metro manila mas lalo pang tumataas ang presyo ng langis. Kaya mas malaki ang naging hirap at walang  kagihawaang naidulot ang isang taong panunungkulang ni pangulong Aquino”,  pahayag ni San Mateo.

Sinabi pa ng transport leader, “Alam namin sa darating na SONA gagamiting alas ni pangulong Aquino ang Pantawid Pasada. Sa ngayon sinasabi na naming na hindi pwedeng gamiting alas ni pangulong Aquino ang  pantawid pasada dahil hanggang ngayon problemado ang implementasyon niyan at hindi rin niya naresolba ang problema ng mga tsuper sa pagtaas ng presyon ng petrolyo. At habang pinagmamalaki ng gobyerno ang pantawid pasada tuloy-tuloy naman ang pagtaas ng presyo ng langis na lalong nagpapa-unitil sa pantawid pasada”, pagtatapos ni San Mateo. BicolToday.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.