Obispo binatikos sa isyu ng ‘Pajero’

0
195
Si Msgr. Augusto Laban na una nang isinasangkot na diumano'y tumanggap ng SUV mula sa PSCO at si Sorsogon Bishop Arturo Bastes
Si Msgr. Augusto Laban na una nang isinasangkot na diumano'y tumanggap ng SUV mula sa PSCO at si Sorsogon Bishop Arturo Bastes.

SORSOGON CITY – Sang-ayon ang ilan Sorsoganon sa isinasagawang imbestigasyon ng senado hinggil sa pagbili ng mga mamahaling sasakyan at pagtanggap ng pera ng mga obispo mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa panayam sa ilang parishioners ng diosises ng Sorsogon ikinalungkot nila ang nangyaring pagkakasangkot ng ilang obispo at pari sa kontrobersya ng pabili ng Pajero at SUV’s. Anila’y mas makakasama sa imahe ng simbahan katoliko ang gawain ng ilang alagad ng simbahan.

Ayon pa dito mas makabubuti sana kung ito ay ginamit sa kawang-gawa ng simbahan sa pamamagitan ng kanilang Social Action Center ang perang pinambili ng sasakyan. Nagiging masama rin ang impresyon lalo na kung nakikita ng mga parishioners na magagara ang mga sasakyan ng kanilang pari o obispo.

Hindi rin sang-ayon ang mga ito sa naunang pahayag ni Bishop Arturo Bastes na hindi siya pabor sa gagawing imbestigasyon ng senado. Kung saan sinabi ng obispo na dapat na pagtuunan ng pansin ang gobyerno ang pag-imbestiga sa mga opisyal na sangkot sa korapsyop kaysa mga obispo.

Ngunit nanindigan ang naturang mga parishioner na dapat lang na mailantad ang mga opisyal ng simbahan na ginagamit ang kanilang impluwensiya para sa sariling kapakanan.

Nauna rito itinanggi ni Bishop Bastes na tumanggap siya ng sasakyan mula sa PCSO. Aniya hindi niya maaring tanggapin ang anumang tulong o donasyon mula sa sugal, maging ito man ay legal.

Kasabay nito, nagpahayag na rin ang ilang obispo na isasauli na nila ang mga sasakyan sa PCSO. Isa rito si Butuan Bishop Juan De Dios Pueblos na nakatanggap ng sasakyang  Mitsubishi Montero na nagkakahalaga ng P1.629 milyon.

“I don’t see any problem with that. I am riding a very old vehicle within the diocese itself. I could even ride a small vehicle if it is necessary. It will not really be a problem,” ayon kay Pueblos.

Nakahanda ring isauli ni Basilan Bishop Martin Jumoad ang P1.225 million na Mitsubishi Estrada na binili ng diosises mula sa financial aid na natanggap nila mula sa PCSO noong 2009. BicolToday.com with reports from CBCPNews

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.