Sorsogon Bishop itinangging tumanggap ng ‘Pajero’

2
931
Sorsogon Bishop Arturo M. Bastes during an interview of BicolToday.com
Si Bishop Arturo M. Bastes ng Diosesis ng Sorsogon sa esklusibong panayam ng BicolToday.com

SORSOGON CITY – Mariing itinanggi ni Obispo Arturo Bastes na tumanggap ng SUV o Pajero ang diosesis ng Sorsogon.

Sa esklusibong panayam ng BicolToday.com sinabi ni Obispo Bastes na isang malaking kasinungalingan ang lumabas na report na tumanggap sila ng ‘service utility vehicle’ mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Iginiit na Obispo na kailan man hindi niya maaring tanggapin ang anumang tulong mula sa ahensiyang dahil ito ay nagpapalaganap ng sugal maging legal o illegal. Binigyan diin ni Bastes na labag sa doktrina ng simbahang katolika ang maging bahagi sa pagpalaganap ng anumang uri ng sugal.

“I did not receive any SUV or any help from PCSO. I did not know anyone from the PCSO. If there were bishops definitely not from Sorsogon”, pahayag ni Obispo Bastes.

“I’m very careful about that not to receive anything from this because I am against gambling and the PCSO is promoting gambling whether legal or illegal. I don’t want to have any money from gambling especially asking help from them”, dagdag pa ng Obispo.

Sinabi pa ni Bastes “When I came to Sorsogon they gave me a blue revo, that was 81/2 years ago and last year I bought a new black Innova and there is no SUV or ‘Pajero’ given to us by PCSO, if anybody says  it is lie”.

Tinukoy din ng Obispo Bastes ang hinggil sa talamak na operasyon ng sugal na Small Town Lottery (STL) na ito’y maskara lamang ng ‘Jueteng’. Kung saan ang mga nakikinabang sa ‘Jueteng’ ay siya ring nakikinabang sa STL.

Nasangkot sa kontrobersya ang simbahan matapos na lumabas sa report na Commission on Audit na pitong (7) Obispo ang tumanggap ng ‘Pajero’ mula sa PCSO.

Naiulat din na tumaggap diumano’y ng SUV si Msgr. Augusto Laban ng Sorsogon matapos na lumiham ito kay dating Pangulong Gloria Arroyo para sa kanyang parokya.

Sa ipinalabas na pahayag ng PCSO ang mga opisyal ng simbahan na tumanggap ng SUV’s o Pajero ay sina Bishop Juan de Dios (Butuan), Archbishop Romulo G. Valles (Zamboanga), Archbishop Orlando B. Quevedo (Cotabato), Bishop Leopoldo C. Jaucian (Bangued, Abra), Bishop Martin Jumaod (Isabela, Basilan), Bishop Rodolfo E. Beltran (Bontoc)   at Archbishop Ernesto Antolin Salgado (Caritas Nueva Segovia).

Samantala magsasagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon o pagsisiyasat ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) hinggil sa kontrobersya. BicolToday.com

2 COMMENTS

  1. Mikah 3:11
    Ang kanyang mga pinuno’y NAPAPASUHOL MUNA bago humatol,
    NAGPAPAUPA ang mga pari para magturo,
    at ang mga propeta nama’y nanghuhula DAHIL SA SALAPI.

    Tito 1:16
    Ang sabi nila’y kilala nila ang Diyos,
    ngunit HINDI NAMAN ITO NAKIKITA sa kanilang mga gawa.
    Sila’y kasuklam-suklam,
    suwail at hindi makagawa ng anumang mabuti.

    1 Juan 4:1
    Mga minamahal, huwag ninyong paniniwalaan kaagad
    ang bawat nagsasabing nasa kanila ang Espiritu.
    Sa halip, SUBUKIN MUNA ninyo sila upang malaman
    kung talagang mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila,
    sapagkat marami nang huwad na propeta sa mundong ito.

    Juan 7:17-18
    Kung talagang nais ninumang sumunod sa kalooban ng Diyos,
    malalaman niya kung ang itinuturo ko’y MULA NGA SA DIYOS,
    O KUNG ANG SINASABI KO AY GALING LAMANG SA AKIN.
    Ang nagtuturo ng galing sa sarili niyang kaisipan
    ay naghahangad ng sariling karangalan.
    Ngunit ang taong naghahangad na maparangalan
    ang nagsugo sa kanya ay taong tapat at hindi sinungaling.

    2 Tesalonica 1:
    Darating siya sa gitna ng naglalagablab na apoy
    at paparusahan ang lahat ng hindi kumilala sa Diyos
    at hindi sumunod sa Magandang Balita ng ating Panginoong Jesus.
    Ang parusa sa kanila ay WALANG HANGGANG KAPAHAMAKAN
    at mahihiwalay sila sa Panginoon at sa dakila niyang kapangyarihan.
    (email add : mykelsmike@yahoo.com)

  2. Mikah 3:11

    email add : mykelsmike@yahoo.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.