Half million water system project ng SNHS aprubado na – Dioneda

0
126
Former Sorsogon City Mayor Leovic Dioneda. PHOTO BY BICOLTODAY.COM
Sorsogon City Mayor Leovic Dioneda. Photo by BicolToday.com

SORSOGON CITY – Maaari nang makinabang ang humigit sa anim na libong (6,000) mag-aaral ng Sorsogon National High School (SNHS) sa proyektong water system ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Sorsogon.

Ito’y kasunod ng pagkaka-apruba ng local school board at batay na rin sa kahilingan ng city division office ng Department of Education ang halagang kahalating milyong piso (P500,000.oo) para sa konstruksiyon ng proyekto, ayon kay city mayor Leovic Dioneda.

Sinabi ng alkalde malaking tulong ito sa mga estudyante para sa malinis na tubig o potable water at paggamit sa mga palikuran.

Binigyang diin ng opisyal na available na ang pondo para sa proyekto kung saan iniutos na niya sa city engineer’s office na simulan agad ang trabaho sa lalong madaling panahon.

Ayon pa kay Dioneda, naging prayoridad nila ang naturang paaralan dahilan sa malaking bilang ng mga estudyante at upang maiwasan na rin na kumalat ang anumang sakit.

Dinagdag pa nito na malaking tulong ang mga integrated school upang ma-decongest ang naturang paaralan. Sinabi ng alkalde na pareho din naman ang kalidad ng edukasyon o quality of education dahil mga kwalipikado naman ang mga guro sa integrated school.

Malaki rin ang matitipid sa gastusin ng mga magulang dahil accessible sa kanilang mga anak ang paaralan, pagtatapos ni Dioneda. BicolToday.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.