Anti-mining group itinatag ng mga Sorsoganon

0
238
Photo by BicolToday.com

SORSOGON CITY – Matagumpay na naitatag ang Sorsogon Chapter ng National Economic Protectionism Association (NEPA-Sorsogon Chapter ) nitong buwan ng Hunyo nang mahigit 20 Sorsoganon pawang nakabase sa Metro Manila.

Upang mabilis na mapalawak ang chapter, nagkasundo ang naturang grupo na harapin kaagad ang pagmimina ng iron ore sa Brgy. Batocawe, Matnog Sorsogon na nagbabanta ng pinsala sa kalikasan at sa industriya ng eco-tourism sa lugar.

Ayon kay Vladimir Estocado, convenor at acting chairman ng NEPA-Sorsogon Chapter,  “Nanganganib ang maraming industriya ng Sorsogon dahil sa pagmimina sa probinsya, maging ang mga eco-tourism industry at ang fisheries at iba pang kabuhayan.”

Binigyang diin din ng grupo dinaluhan ng mga kinatawan ng Alyansa Tigil Mina at ng Partido Kalikasan na hindi lang Sorsogon ang nanganganib kundi ang katabing probinsya ng Rapu-Rapu, Albay at Samar dahil ang pagmimina ay nasa gitna mismo ng dalawang probinsya.

Dagdag pa dito, pinuna ng NEPA Sorsogon ang iligal na paggamit ng small scale mining permits ng mga malalaki at dayuhang korporasyon upang maikutan ang mga requirements.

“Kumpara sa kakaunting taong makikinabang sa pagmimina, mas marami naman ang mapipinsala,” dagdag pa ni Estocado.

Upang itaas ang kamulatan ng mga taga-Sorsogon sa naka-ambang panganib, maglulunsad ang NEPA-Sorsogon ng isang serye ng pulong-talakayan at konsyerto “Ang Mina ng Bikol – Isang gabi ng Sining”.  Ang unang konsyerto ay gaganapin sa Conspiracy Bar, sa Visayas Avenue Quezon City, 5pm to 11pm July 2, 2011 at ang ikalawa ay sa Access Point Bar, sa Quezon City din sa July 15, 2011.  BicolToday.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.