Media group namahagi ng tulong sa mga kapus-palad na mag-aaral sa Sorsogon

1
259
Masayang tinanggap ng magkapatid na Erika at Christina Cordero ang mga gamit sa eskwela mula sa BICOLTODAY.com
Masayang tinanggap ng magkapatid na Erika at Christina Cordero ang mga gamit sa eskwela mula sa Bicol Media & Communications Center

SORSOGON CITY – Namahagi ng tulong ang Bicol Media & Communications Center (BMCC) at ilang indibiwal sa mga kapus-palad na mag-aaral sa Bitan-o Elementary School sa lungsod ng Sorsogon.

Ilang mag-aaral sa nasabing paaralan ay nakatanggap ng school supplies gaya ng bag, notebooks, papel at lapis.

Mapalad na nabiyayaan ng tulong ang magkapatid na Erika at Christina Cordero na papasok na sa grade five at grade one ngayong school year.

Ikinatuwa naman ng mag-asawang Franklin Fajardo at Gloria Cordero ang tulong ng BMCC sa kanilang mga anak.

“Hindi namin kayang pagpaaralin ang aming mga anak, dahil kulang at hindi sapat ang kinikita namin sa pagbobote”, pahayag ni Gloria.

“Dahil sa inyong tulong ay makakapasok na ang aking mga anak”, dagdag pa ni Ginang Cordero.

Samantala, ikinatuwa rin ni Ginoong Christian de los Angeles, principal ng Bitan-o Elementary School ang programang inihatid ng BMCC. Ayon sa kanya mapalad ang kanilang paaralan dahil sa ibat-ibang tulong na dumarating mula sa mga Government Organizations (PO’s) at Non-Government Organizations (NGO’).

Sinabi pa ni De Los Angeles na katatapos lang maitayo ang isang classroom mula sa Bayan Muna Partylist at kasalukuyang tinatayo naman ang isang all-weather classroom mula sa lokal na pamahalaang lungsod ng Sorsogon.

Sa kabilang dako, nakatakda ring mabigyan ng tulong ang mga mag-aaral ng Melencio J. Larosa Elementary School sa Barangay Sampaloc lungsod ng Sorsogon.

Sa panayam sinabi ni Ginang Shiela Topolar, principal na halos 85 hanggang 90 porsyento sa kanilang mag-aaral ay mula sa pinakamahirap na pamilya.

“Malaking problema din namin ang kalusugan ng mga mag-aaral kung saan batay sa pagsusuri na Department of Social Welfare and Development (DSWD) karamihan sa mga ito ay malnourished”, dagdag pa ni Ginang Topolar.

Ayon sa BMCC ang programang TABANG ESKWELA ay inilunsad upang matulungang makapag-aral ang mga kabataang kapus-palad.

Pinasalamatan din ng BMCC ang mga benefactors sa pagsuporta at pagtulong sa programa para sa mahihirap.

Dinagdag pa ng BMCC na bukas sila sa materyal o pinansyal na tulong mula sa mga indibibwal, tanggapan o organisasyon. Makipag-ugnayan lamang po sa bicolmedia@gmail.com, bicoltoday@yahoo.com.

Maari ring ipadala ang inyong tulong sa Bicol Media & Communications Center, Sorsogon City, Philippines 4700 thru Western Union, Money Gram o PayPal. Text/Call +639054172767.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.