Bayan ng Juban ibabalik sa unang distrito ng Sorsogon

0
123
Photo by BICOLTODAY.com
Photo by BICOLTODAY.com

SORSOGON CITY  – Isinusulong ngayon nina representative Salvador Escudero III at Deogracias Ramos, Jr.ng una at pangalawang distrito ng Sorsogon  ang  panukalang batas na magbabalik sa bayan ng Juban sa first legislative district ng Sorsogon.

Sa ipinasang House Bill No. 4741 (An Act Reapportioning the Composition of the Legislative District of Sorsogon to include Juban in the 1st District) ng dalawang kinatawan sa mabaang kapulungan, layunin nitong maibalik sa unang distrito ang Juban kung saan sa kasalukuyan ay kabilang ito sa ikalawang distrito.

Ayon sa panukala higit na maisaayos ang implementasyon ng mga programa dito at matukoy ang tunay na prinsipyo sa pagkakahati ng lalawigan ng Sorsogon.

Matatandaang bago maipasa ang 1987 Philippine Constitution, ang Juban, na isang 4th class municipality, ay dating kasama sa unang distrito ng Sorsogon, subalit nang maaprubahan ito ay nakabilang na ang Juban sa ikalawang distrito.

Kaugnay nito, ayon dalawang kongresista na mas naaangkop na mapag-uusapan ito sa kamara nang sa gayon ay tuluyang maisaayos ang tunay na pagkakahati sa mga lugar na sakop ng bawat distrito.

Hinihiling rin ni congressman Escudero sa Commission on Election ang pagbuo at paglabas ng mga susunding patakaran para sa kakulang implementasyon sakaling maaprubahan ito.

Ang lalawigan ng Sorsogon na binubuo ng labing-apat na munisipyo at isang lungsod ay nahahati sa dalawang distrito. Sa kasalukuyan, kabilang ang mga bayan ng Casiguran, Castilla, Donsol, Magallanes, Pilat at Sorsogon City sa unang distrito, habang kabilang naman sa ikalawang distrito ang mga bayan ng Barcelona, Bulan, Bulusan, Gubat, Irosin, Juban, Matnog, Pto. Diaz at Sta. Magdalena. (Bennie A. Recebido/BICOLTODAY.com)

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.