Sorsogon City Police ‘under fire’

0
294
Sorsogon City Police 'under fire'.Photo by BICOLTODAY.com
Sorsogon City Police 'under fire'. Photo by BICOLTODAY.com

SORSOGON CITY – Umani ng batikos ang Sorsogon City Police matapos na ireklamo ng isang school teacher dahil sa diumano’y pananakit at illegal na pag-aresto ng apat na miyembro nito.

Sa panayam kay Joebert Tarraya  maluha-luha nitong isinalaysay ang kanyang sinapit sa kamay ng mga pulis.

Gabi noong Mayo 27, habang kumakain ang biktima sa isang fast food chain (mang inasal) sa lungsod nang lapitan at damputin ng mga naka sibilyang pulis at sapilitang isinakay sa police car.

Ayon kay Tarraya ikinulong siya sa loob ng 12 oras at isinailalim sa humigit sa tatlong oras na interogasyon at pilit na ipinapamin ng mga pulis ang isang krimen na umano’y hindi naman niya ginawa.

Sinabi pa nito na pinahubad siya ng pantalon at brief at inutusan pa ng isang police trainee ang ibang preso na bugbugin siya.

Ang insidente ay nag-ugat sa reklamo ng isang co-teacher nito sa alegasyong nagte-text at nagpapadala diumano si Tarraya mga malalaswang mensahe at video.

Ngunit sinabi nito na walang katotohanan ang nasabing reklamo.

Iginit pa ni Araya na iligal at walang batayan ang mga naging alegasyon ng Sorsogon police upang ikulong at ipailalim siya sa intergasyon.  Ayon sa biktima walang maipakitang warrant of arrest ang pulis nang hingan niya ito at hindi rin masagot kung ano kanyang kaso at kung bakit siya inaaresto.

Binatikos ng isang human rights group ang nangyari kay Tarraya kung saan isang malinaw na pang-aabuso sa kapangyarihan ang ginawa ng mga pulis. Arbitraryo at walang due process ang naging aksiyon ng pulisya.

Sa ngayon nakatakdang masampa ng kaukulang reklamo si Tarraya laban sa mga abusadong pulis.

Sa kabilang dako magsasagawa rin ng imbestigasyon si Police Supt. Arturo Paglinawan Brual, hepe ng Sorsogon PNP kaugnay sa pagkakasanggot ng kanyang mga tauhan nasabing insidente. BICOLTODAY.com

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.