14 na kolehiyo sa Bicol nagtaas ng tuition fee – CHED

0
39
Contributed Photo

 

Contributed Photo

LEGAZPI CITY – Inaprubahan ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagtaas ng matrikula o tuition fee sa 14 ng kolehiyo sa Bicol.

Ayon sa CHED ang mga kolehiyong ito siya lamang nakapagsumite ng mga rekisitos sa 21 aplikante na nagbalak magtaas ng tuition fee at dahil na rin diumano sa demand ng mga faculty at staff ng eskwelahan na magkaroon ng umento sa kanilang sahod.

Kabilang sa 14 na eskwelahan na magtataas ng tuition fee ngayong darating na pasukan ay La Consolacion College, Daet Cam Norte – 10%,Ateneo de Naga University – 5%, Liceo de Masbate – 10%,Cam Norte College – 10%, Tiwi Community College – 50%, Partido College – 12%’ La Consolacion College, Iriga City – 8%, Catanduanes College – 10%, St. Louise de Marillac College of Sorsogon – 10%, University of Saint Anthony – 6.67%, Our Lady of Lourdes College – 18.53%, Southern Bicol Colleges – 20%, Libon Community College – 128.57%, Masbate Colleges – 10%.

Ang pitong eskwelahan naman na hindi naaprubahan ng CHED sa balak nitong tuition fee increase at ang  UNC; STI Legazpi; Mariners Polytechnic College; Rawis; Peña, Tabacco ; St. Peter de Baptist College ; STI Naga; OAS Community College.

Samantala, ang STI Naga, Mariners Polytechnic College, Rawis, Divine Word College of Legazpi ay magkakaroon ng tuition fee increase sa mga freshmen lamang dahil sa walang kinakailangan na requirements upang makapagtaas ng tuition fee sa mga incoming first year.

Sa kabilang dako, binatikos ng Kabataan Partylist ang CHED sa pag-apruba nito na magtaas ng matrikula ang  282 na kolehiyo sa bansa kabilang na ang 14 na pribadong kolehiyo sa Bicol.

Ayon kay Rep. Raymond ‘Mong’ Palatino na hindi naresolba ng commission na mapigilan ang pagtaas ng school fees sa loob ng 10 taon.

Sinabi pa ng kongresista, “CHED is forgoing its constitutional mandate to regulate the “crazy accession” of tuition and other fee over the years.” 

“Hindi makatarungan ang pagtaas ng matrikula bunsod ng krisis na nararamdaman sa buong bansa”, pagtatapos ni Palatino. BICOLTODAY.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.