Sen. Escudero naaksidente sa Q.C.

0
131
Sen. Chiz Escudero. Contributed Photo
Contributed Photo

QUEZON CITY, Philippines – Nagtamo ng bahagyang pinsala si Senador Chiz Escudero sa isang aksidente sa Cubao district lungsod ng Quezon huwebes ng gabi.

Sa report nasugatan ang kamay ng senador matapos banggain ng van ang kanyang sports-utility vehicle sa Maryland Street.

Ayon kay Po3 Perlito Datu mag-isang minamaneho ni Escudero ng kanyang kotse at kusa nitong isinuko ang driver’s license sa pulis.

Sa inisyal na imbestigasyon nabangga ang unahang bahagi ang SUV ng senador ng isang Kia van na minamaneho ni Manuel Meriles na nagtamo rin ng bahagyang pinsala.

Napagkasunduan ng dalawang partido na ayusin na lang ang naturang kaso.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.