Mt. Bulusan nagtala ng 31 paglindol sa nakalipas na 24 oras

0
159
File Photo by BICOLTODAY.com
BICOLTODAY.com File Photo

SORSOGON CITY – Muling nagpakita ng abnormalidad ang bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon matapos ang sunod-sunod na mga paglindol.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang tatlumput isang (31) volcanic earthquakes o paglindol sa nakalipas na 24 oras.

Samantala nanatiling nasa alert level 1 status ang bulkan kung saan ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa loob ng 4 kilometer radius permanent danger zone. Ayon sa PHIVOLCS ang naturang lugar ay delikado sa biglang pagsingaw at pagbuga ng abo.

Pinaalalahanan din ng Civil aviation ang mga piloto na iwasan ang pagpapalipad malapit sa tuktok ng bulkan para maiwasan ang inilalabas na abo at volcanic fragments mula sa biglaang pagsabog ay maaaring mapanganib sa mga sasakyang panghimpapawid.

Sa ngayon patuloy ang isinasagawang monitoring ng PHIVOLCS sa aktibidad ng Mt. Bulusan at sa mga bagong kaganapan. BICOLTODAY.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.