5,152 pasahero stranded sa Sorsogon, evacuees makakauwi na

0
61
PDRRMC Head Manro Jayco explains to BICOLTODAY.com the affected areas in Sorsogon if tsunami hit the province.
PDRRMC Head Manro Jayco explains to media the landslide prone areas in Sorsogon. Photo by BICOLTODAY.com

SORSOGON CITY – Humigit sa limang libong pasahero na ang na-stranded sa tatlong pangunahing pantalan sa lalawigan ng Sorsogon dala ng bagyong “Chedeng”.

Sa pinakahuling talaan ng Philippine Coast Guard (PCG) umaabot na sa 5,152 na pasahero, 106 bus, 98 truck, 36 light vehicles ang stranded sa mga pantalan ng Matnog, Bulan at Pilar.

Sinabi ni PCG Station Commander Lt. Sg. Jose Ronnie Ong, hindi pa nila pinapayagang pumalaot ang mga barko at iba pang mga sasakyang pandagat hangga’t nakataas pa ang typhoon signal sa lalawigan ng Sorsogon.

“Maari naming payagan na pumalaot ang mga sasakyang pandagat o sea craft kung nasa signal number 1 na ang bagyo, ngunit iyon lamang may 1,000 gross ton pataas”, ayon kay Ong.

Samantala makakauwi na ngayong araw ang humigit kumulang 843 na indibidwal o 117 na pamilya sa mula sa mga evacuation centers ng lungsod ng Sorsogon. Ito’y kasunod ng pagbaba ng storm signal warning sa lalawigan, ngunit may ilan pa ring mamanatili sa mga evacuation centers bunsod ng malakas pang pag-ulan.

Sa ulat din ng Provincial Disaster Risk Reduction Management office wala ring naitalang mga pagbaha, mudflows at landslides, subalit pinag-iingat pa rin ng mga awtoridad ang mga residente.  BICOLTODAY.com

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.