Human rights group sa Bicol pumalag sa ID system

0
144
Cause oriented groups in Bicol commemorates the 62nd year of International Human Rights day. Photo by BicolToday.com
Cause oriented groups in Bicol commemorates the 62nd year of International Human Rights day. Photo by BICOLTODAY.com

LEGAZPI CITY – Umalma ang human rights group sa Bicol sa muling pagbuhay sa National ID System sa pamamagitan ng Unified ID System na lalong magpapatindi sa paglabag sa karapatang pantao.

Ayon kay Vince Casilihan, research and documentation head ng Karapatan-Bikol, panahon pa ni dating pangulong Fidel Ramos ibinebenta na ito pero inayawan ng mamamayan. Baguhin man ang katawagan mula National ID System patungong Unified ID System di parin mawawala ang kuwestiyunableng katangian nito.

“Kontrebersyal at kuwestiyunable ito sapagkat mas ang magiging gamit nito ay malimitahan at ispiyahan ang mga mamamayan lalong- lalo na ang mga kritiko ng gobyerno. Ayon na rin sa Supreme Court na ang National ID System ay unconstitutional sa dahilang nilalabag nito ang right to privacy ng bawat  indibidwal”, dagdag pa ni Casilihan.

“Ang unified id system ay magiging lisensya lamang ng AFP at ng gobyerno para malabag ang batayang karapatan ng bawat tao lalong lalo na ang sibil at pampulitikang karapatan.”

“Kung sasabihin ng gobyerno na ang Unified ID System  ay para malabanan ang terrorismo walang kasiguruhan ito sa halip titindi pa ang paglabag sa karapatan lalong lalo na sa mga liblib na  lugar sa kanayunan.”,  ayon pa sa Karapatan

Dinagdag pa ni Casilihan, ginamit na din ito sa Kabikolan ng AFP , halos lahat ng mga probinsya tinayuan ng  Barangay Defense System (BDS) pero sedula ang ginawang istilo ng mga ito at kapag walang maipakitang cedula bugbog at kung ano anong klaseng pagpapahirap ang gagawin sa taong walang dala nito. Hindi ito magiging kaiba sa unified id system sapapagkat kapag walang maipakitang ID ang isang indibidwal maaari na itongmaakusahan na miyembro  ng NPA.

“Ang karapatan bikol ay titindig at lalabanan ang anti-mamamayang mga polisiya ng gobyernong ito na imbes na ang pagtuunan ng pansin ay ang mga batayang problema at serbisyong panlipunan ng mamamayan ay ito pa ang kanilang isinusulong”, pagtatapos ni Casilihan. BicolToday.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.