Mangingisdang nawawala sa Sorsogon natagpuan na

0
44
MDRRC rescue and clearing operation at Barangay Managa-naga, Bulan, Sorsogon. Photo by DON GLORIANE
MDRRC rescue and clearing operation at Barangay Managa-naga, Bulan, Sorsogon. Photo by DON GLORIANE

(UPDATE 12:40 pm) BULAN, Sorsogon – Ligtas na nakauwi sa kanilang bahay ang mangingisdang si Ramil Catamora ng barangay Quezon ng sa bayang ito.

Matatandaan na unang nang iniulat ng Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) sa Provincial Information Office ang pagkawala ni Catamora habang nangingisda sa bahagi ng karagatan ng barangay Inararan.

Sinasabi sa naunang report na diumano’y tumaob ang sinasakyang bangka ni Catamora sa bahagi ng barangay Inararan na naging sanhi ng pagkalunod nito.

Sa pinakahuling report na ipinaabot ni Luis de Castro, municipal administrator sa BicolToday.com hindi naman pala nawawala ang naturang mangingisda kundi nagpahinga lamang sa ligtas na lugar dulot ng masamang panahon dala ng bagyong si ‘Bebeng’.

Pinasalamatan naman ni de Castro ang mga operatiba ng Philippine Coast Guard sa agarang pagtugon ng mga ito at pagsagawa ng rescue and clearing operation sa mga nasalanta ng pagbaha sa mga barangay ng Gate, San Isidro, Pabrica at Managa-naga.

Samantala,  umabot din sa mahigit 300 katao ang na-stranded sa Bulan Terminal sa kasagsagan ng bagyong si ‘Bebeng’, ayon pa kay de Castro. BicolToday.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.