2 mangingisda sa Sorsogon kakasuhan sa pagkatay ng dolphin

0
157
Photo coutesy Pilar PNP
Photo coutesy Pilar PNP

PILAR, Sorsogon – Nahaharap sa kasong paglabag sa Fisheries Administrative Order no. 208 0 Conservation of rare threatened and endangered fishery species ang dalawang mangingisda sa bayang ito dahilan sa pagkatay ng mahigit pitong (7) lumba-lumba o dolphin.

Ayon kay Police Senior Inspector Joseph T. Maribbay ng Pilar PNP ang mga suspek ay kinilalang sina Darwin Gonzales at Rimo Llamares ng barangay Bantayan.

Sinabi ng opisyal na aktong nahuli ang dalawang suspek na nagkakatay ng naturang endangered species sa isinagawang joint operation ng PNP at Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni  Arnel Gloriane Geronga noong Abril 26, 2011.

Photo courtesy Pilar PNP

Ang dolphin ay isa sa mga itinuturing rare threatened species o malapit ng maubos ang kanila lahi kung kaya mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang paghuli o pakatay sa mga ito.

Ang bayan ng Pilar sa Sorsogon ay isa sa mga lugar kung saan madalas ito napapadpad dahil ang ticao pass na nasa probinsya ay bahagi nang kanilang path way o regular na daanan galing sa ibang bansa. Don Gloriane / BICOLTODAY.com

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.