Magsasaka sa Sorsogon dinukot, pamilya nanawagan na ilabas na

0
6
Photo courtesy Wikipedia.org
Photo courtesy Wikipedia.org

SORSOGON CITY – Patuloy na nanawagan ang asawa at kamag-anak ni Marlon Lagonoy sa mga responsable sa pagdukot ng mga armadong kalalakihan na ilabas na ito.

Ayon kay Emma Lagonoy, bandang ala una ng hapon, Abril 28 nang sapilitang dukutin ng limang armadong kalalakihan ang kanyang asawa habang nagbibilad ng palay sa isang rice mill sa barangay Abuyog, lungsod ng Sorsogon.

Sinabi nito na pwersahang isinakay ng mga kalalakihan sa isang puting van si Marlon at agad na umalis papunta ng lungsod.

Ayon naman kay Norma Lagonoy, ina ng biktima na isang ordinaryong magsasaka lamang ang kanyang anak at walang anumang organisasyon na kinapapalooban ito.

Dinagdag pa nito na bago maganap na ang insidente ay inutusan nitong patuyin o ibilad ang ilang sakong palay ngunit hindi na ito nakabalik kinahapunan. Dito na rin nila nalaman sa ilang saksi na dinukot diumano ng limang kalalakihan.

Nanawagan din ito na ibalik sa kanila nang buhay ang anak at kung meron mang nilabag sa batas ito ay dapat na kasuhan at idaan sa tamang proseso.

Samantala, hindi pa rin matukoy ng pulisya kung sino at anong grupo ang responsable sa pagdukot kay Lagonoy.

Sa ngayon patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon at follow-up operation ng Sorsogon City police kaugnay sa insidenting ito. BICOLTODAY.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.