Is Gov. Lee fooling Sorsogon again?

4
242
Si Gobernador Raul Lee habang binabasa sa harap ng media ang kanyang sulat sa Philippine Daily Inquirer hinggil sa maling ulat na inilabas ng naturang pahayagan. Photo by BICOLTODAY.com
Si Gobernador Raul Lee habang binabasa sa harap ng media ang kanyang sulat sa Philippine Daily Inquirer hinggil sa maling ulat na inilabas ng naturang pahayagan. Photo by BICOLTODAY.com

SORSOGON CITY – Ibinulgar ni second district board member Vladimir Frivaldo ang kaugnayan ng isang executive ng Feshan Philippines, Inc. sa pamilya ni gobernador Raul Lee na nasasangkot sa kontrobersya ng ‘Fertilizer Fund Scam’.

“Gov. Lee claimed he did not know anyone from Feshan, Philippines, Inc.” ayon kay Frivaldo

“Is Gov. Raul Lee fooling Sorsogon again? Feshan Philippines, Inc. executive Eunique Galang is the sister of Grace Galang-Rodrigueza the wife of Sorsogon City Vice Mayor Robert Rodrigueza. Vice Mayor Rodrigueza is the son of Gov. Raul Lee who is involved in the P728 million fertilizer fund scam”, dagdag pa ni Frivaldo.

Batay sa record ng provincial treasurer’s office si Enique Galang ay tumanggap ng dalawang tseke na nagkakahalaga ng P3,039,525.00.  Sa unang disbursement voucher na pinirmahan nito ay nagkakahalaga ng P2,850,000.00 na may LBP check no. 311701 na may petsang Mayo  5, 2004 at ang pangalawang voucher ay nagkakahalaga ng P189,525.00 na may LBP check no. 311702 na may petsang Hunyo 1, 2004.

Matatandaan na isinangkot ang mga opisyal ng Feshan Philippines, Inc. na sina Ma. Eunique Galang at Rendentor Antolin sa diumano’y maanomalyang transaksiyon sa pagbebenta ng pataba, ngunit ang mga ito ay pinawalang sala ng ombudsman dahilan walang sapat na ebidensiya laban sa kanila.

Samantala nagsampa na rin ng ‘motion for reconsideration’ si gobernador Lee, kung saan hiningi nito sa tanggapan ng Overall Deputy Ombudsman – Preliminary Investigation Administrative Adjudication and Review Bureau na bahagyang muling maisaalang-alang ang resolusyon ng ombudman na may petsang Nobyembre 24, 2008 at baliktarin at isantabi ang desisyon na sinasabing may pananagutan ang gobernador sa paglabag sa section 3 (e) at (g) ng Republic Act 3019 kaugnay sa pagbili ng pataba. BICOLTODAY.com

4 COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.