Suplay ng coco lumber sa Sorsogon bumaba, kontratista nagrereklamo – PCA

6
177
Photo courtesy http://philippinenativeforesttrees.blogspot.com/
Photo courtesy http://philippinenativeforesttrees.blogspot.com/

SORSOGON CITY – Inihayag ni Philippine Coconut Authority provincial manager Alejandro Olaguera na bumaba ang suplay ng mga coco lumber sa lalawigan ng Sorsogon.

Ito’y bunsod nang ipatupad ng pamahalaan ang total ban sa pagputol, pagbibiyahe at pagbebenta ng mga puno ng niyog alinsunod na rin sa Republic Act 8048 simula noong March 10, 2008, ayon kay Olaguera.

Ang nasabing batas ay ipinatupad para mapangalagaan, maibalik ang sigla at mapaunlad ang industriya ng niyog dahil na rin sa mga pagsalanta ng bagyo sa sumira sa libo-libong ektaryang taniman nito.

Dahilan umano sa paghihigpit na ito, sinabi ng mga kontratista na nalagay sa alanganin ngayon ang mga kontrata nilang gumagamit ng mga coco lumber dahilan sa wala na umano silang maapuhap na gagamitin sa kanilang patrabaho.

sinabi ni Olaguera, ipinarating sa kanilang tanggapan ang mga hinaing ng mga coco lumber dealers at ng mga kontratista na nawawalan umano sila ng mga coco lumber para sa scaffolding ng kanilang mga patrabaho.

Pinag-aaralan nila ngayon ang mga hinaing na ito maging ang posibilidad ng pag-aalis ng cocolumber ban, subalit wala umano silang ipinapangako sa mga ito dahilan sa kailangan pa ito ng masusing pag-aaral, dagdag pa ni Olaguera

Maari naman gumamit ng iba pang alternatibo at environment-friendly pa na mga kagamitan na maaring ipalit muna sa coco lumber, pagtatapos ng PCA official. (Bennie A. Recebido/BICOLTODAY.com)

6 COMMENTS

Leave a Reply to trinity florida Cancel reply

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.