Ginawa akong ‘Scapegoat’ ng Ombudsman – Gov. Lee

3
1252
Si Gobernador Raul Lee habang binabasa sa harap ng media ang kanyang sulat sa Philippine Daily Inquirer hinggil sa maling ulat na inilabas ng naturang pahayagan. Photo by BICOLTODAY.com
Si Gobernador Raul Lee habang binabasa sa harap ng media ang kanyang sulat sa Philippine Daily Inquirer hinggil sa diumano'y maling ulat na inilabas ng naturang pahayagan kaugnay sa 'Fertilizer Fund Scam'. Photo by BICOLTODAY.com

SORSOGON CITY – Mariing itinanggi ni Gobernador Raul Lee ang paratang na katiwalian o ‘graft charges’ na isinampa ng ombudsman laban sa kanya kaugnay ng ‘Fertilizer Fund Scam’.

Ayon sa gobernador wala pa siyang natatanggap na opisyal na reklamo o asunto mula sa ombudsman kung kaya hindi pa siya maaring makumento hinggil sa sinasabing graft charges.

Iginiit din ng opisyal na posibleng ginawang lang siyang ‘scapegoat’ dahilan sa napipintong pagdinig ng senado ng impeachment complaint laban kay Mercidetas Gutierrez.

Sa panayam ng BICOLTODAY.com kay Gob. Lee inamin nito na tumanggap ang kanyang lalawigan ng limang milyong piso (P5,000,000.00) mula sa Department of Agriculture, ngunit nilinaw nito na ang naturang pera ay binili nila ng mga agricultural products gaya ng fertilizer.

Ipinagtataka rin ng Lee kung baka hindi isinama sa kaso ng ombudsman ang Feshan Philippines, Inc. na siyang distributor ng mga pataba batay sa ulat na lumabas sa media.

BICOLTODAY.com interview with Gov. Lee 041411

Overpriced

Matatandaan na sinampahan ng kasong katiwalian o ‘graft’ sina Sorsogon Governor Raul R. Lee, accountant Raul G. Hernandez and provincial treasurer Ofelia D. Velasco sa Sandiganbayan sa diumano’y maanomalyang transaksiyon ng mga ito pagbili ng fertilizer ng mahigit sa tatlong milyong pisong (P3,000,000.00).

Sinasabi sa resolusyon na overpriced ng mahigit 800 porsiyento ang biniling fertilizer sa Feshan Philippines, Inc. na nagdulot ng malaking kalugian sa pamahalaan.

Sa 22 pahinang resolusyon inirekomenda ang pasampa ng kaso graft ni prosecution officer II Judy Anne Doctor-Escolona na isinumite kay Ombudsman Merceditas Gutierrez noon pang Nobyembre 24, 2008.

Leave or Resign

Samantala, ipinanawagan ni 2nd district provincial board member Vladimir Frivaldo na mag leave of absence o kaya mag resign na lang si Goberndor Lee upang maiiwas sa malaking kahihiyan ang lalawigan.

Ayon kay Frivaldo dapat na gayahin ni Lee ang ginawa ni deputy ombudsman Mark Jalandoni na nag resign kahit wala pang natatanggap na complaint.

Ngunit iginiit ni Atty. Antonio Huab, abogado ng gobernador na haharapin nila ang anumang asunto o kaso at wala sa bokabularyo ang pag-resign ng opisyal. BICOLTODAY.com

3 COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.