Bicolano umalma sa ‘fare hike’

5
181

LEGAZPI CITY – Umalma ang mga commuters sa rehiyon Bikol sa biglaang pagtaas ng pamasahe sa mga bus at van.

Ayon sa mga pasahero hindi makatarungan ang ginawa ng  mga operator ng bus at hindi lamang nag-abiso na magtataas sila ng pamasahe. Kung saa ang dating pamasahe sa bus mula sa lungsod ng Legazpi papuntang lungsod ng Sorsogon ay P40.00 at ngayon ay sinisingil na sila ng sa P88.00 pesos. Samantala ang pamasahe naman sa van ay dating P60.00 at ngayon ay P76.00 pesos na.

Sinabi ni Edwin Grayda, regular na pasahero ng isang bus liner na ang dating niyang binabayaran mula sa bayan ng Bulan papuntang lungsod ng Sorsogon ay P60.00 pesos ngayon ay P108.00 pesos na ito. Ayon  sa kanya malaking kabawasan ito sa mailiit niyang kinikita na halos mapupunta lamang sa gastusin sa pamasahe.

“Dapat na ipakita at ipaskel ng mga operator ang ‘fare matrix’ nang sa gayon ay hindi na umabot sa pagtatalo ang mga pasahero, konduktor at drayber”, dagdag pa ni Grayda.

Ngunit depensa naman ng mga local bus operators, ipinapatupad lamang nila ang dating taripa na inaprubahan ng LTFRB noong pang 2008.

Inihayag naman ni Bicol LTFRB Assistant Regional Director Arturo Pabregas na walang siyang nakikitang paglabag sa ginawa ng mga bus operator sa rehiyon. Sinabi nito na ang mababang singil sa pamasahe ng mga bus ay bunga ng kanilang mahigpit na kumpetisyon na maaring ikinabigla ito ng mga pasahero sa laki ng sinisingil sa kanila ngayon.

Binigyang diin pa ng opisyal na taong 2008 pa nila inaprubahan ang ang ‘fare increase’ kung kaya’t wala silang nakikitang ireguralidad dito.

Ayon pa kay Pabregas na posibleng naramdaman na ng mga operator ang mataas na presyo na langis na nagbusod sa kanila na ibalik ang regular na singil ng pamasahe. Matatandaan na pumapalo na sa P48-50 kada litro an diesel at P60-65 kada litro naman ang gasolina.

Samantala wala namang planong magtaas ng pamasahe ang pampapasaherong jeep at trisikel, ayon sa Piston-Bikol. Sa halip ay pinaghahandaan nila ang mga kilos prostesta sa darating na labor day, dagdag pa ng Piston. BICOLTODAY.com


5 COMMENTS

  1. Thank you for taking a few minutes to discuss this, I feel strongly concerning this and love understanding much more about this subject matter. If you can, as you gain expertise, would you mind updating your site with a lot more info? It is very useful for me.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.