Sen. Escudero, DENR Sec. Paje bisita sa paglulunsad ng Sorsogon Convergence Initiative on Rural Development

2
144
Photo by BICOLTODAY.com

Photo by BICOLTODAY.comSORSOGON CITY – Isang programa ang isinasagawa ngayon dito sa lungsod ng Sorsogon kaugnay ng paglulunsad ng Sorsogon Convergence Initiative on Rural Development.

Bago ang pormal na simula ng paglulunsad ay nagkaroon muna ng feeding program kung saan namahagi ng mga biskwit at gatas ang United States Department of Agriculture sa pangunguna ni Ginoong Philip Shull, ang USDA agricultural counselor.

Keynote speaker sa nasabing aktibidad si Senator Francis Joseph Escudero at naririto rin ang mga gabinete ng Pangulong Noynoy Aquino na kinabibilangan nina Department of Environment and Natural Resources Secretary Ramon Paje, Department of Agriculture Sec. Proceso Alcala at Department of Agrarian Reform Sec. Virgilio De los Reyes upang magbigay ng commitment of support para sa mga livelihood initiative na magsusulong sa pag-unlad ng tatlong convergence areas dito sa Sorsogon – ang Castilla, Casiguran at Sorsogon City.

Nagbigay ng pasasalamat naman si Sorsogon Governor Raul Lee at ang dalawang kinatawan ng lalawigan na sina 1st district congressman Salvador Escudero III at 2nd district congressman Deogracias Ramos, Jr para sa programang ito na natanggap ng lalawigan.

Pinangunahan naman ni Philippine Agricultural Development and Commercial Corporation (PADCC) president Marriz Agbon ang paglulunsad ng naturang convergence program habang si Executive Director ng Sorsogon Provincial Management Office Sally Lee naman ang naglahad ng Invetment Plan ng Sorsogon Convergence Initiative for Rural Development.

Matapos ang mensahe ni Sen. Escudero ay magkakaroon ng pirmahan ng Memorandum of Understanding ng Sorsogon Convergence Initiative for Rural Development sa pagitan ng tatlong kalihim, Sorsogon Gov. Raul Lee, Marriz Agbon at ng mga Municipal Mayors at agad ding gagawin ang ceremonial turn-over ng Sorsogon Convergence Initiative for Rural Development Investment Plan.

Magtatapos ang launching activity sa pamamagitan ng isang press conference.

Ang convergence ay programa ng pamahalaang nasyunal sa ilalim ng administrasyon ni pangulong Benigno Aquino III na naglalayong magkaroon ng komprehensibong aydentipikasyon ng mga magkakaibang programa at proyektong pangkabuhayan kasama na ang mga suportang pangimprastuktura at tiyaking agarang maibibigay ang logistical assistance mula sa pamahalaan.  (Bennie A. Recebido)

2 COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.