Balikatan 2011 tinutulan ng Bayan-Bikol

1
153
Photo courtesy by www.gmcmissing.wordpress.com
Photo courtesy by www.gmcmissing.wordpress.com

LEGAZPI CITY – Mariing tinutulan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan-Bikol) ang muling paglulunsad ng Balikatan Exercises sa Gitnang Luzon ngayong Abril o ang ika-27 taunang joint military exercises ng sandatahan lakas ng Pilipinas at Amerika sa ilalim ng Mutual Defense Treaty (MDT) at Visiting Forces Agreement (VFA).

Ito’y nagpapakita lamang na hindi seryoso ang administrasyon ni pangulong Noynoy Aquino na repasuhin ang VFA na ipinangako niya noong hindi pa sya pangulo, ayon kay Tessa Lopez, tagapagsalita ng Bayan-Bikol.

Sinabi pa ni Lopez, hindi na nadala ang gobyerno sa mga pang-aabuso sa ating pambansang batas ng mga nakaraang Balikatan Exercises dahil sa makaisang panig na kasunduan sa ilalim ng VFA na tanging US lamang ang nakikinabang.

“Ilang Nicole pa ba ang dapat maging biktima, at sino ang makakalimot sa batang si Rafaela Polvorido ng Ligao, Albay na naging biktima ng clearing operations ng Balikatan noong 2009 sa Kabikolan, liban pa ito sa hindi maresolbang kaso ng korapsyon gamit ang pondo ng Balikatan”, dagdag pa ni Lopez.

Matatandaan, noong 2009 ay tinutulan ng mga Bicolano ang paglulunsad ng Balikatan Exercises  sa Rehiyon. Bumuhos sa lansangan ang iba’t-ibang militanteng grupo at makabayang indibidwal upang patigilin ang panghihimasok ng tropang militar ng US sa tabing ng “humanitarian mission at counter-terrorism”.  Sa kabila ng matagumpay na paglaban ay nag-iwan pa rin ito ng matitinding epekto sa mamayan partikular ang paglabag sa  karapatang pantao, paglalahad pa ni Lopez.

Ipinanawagan din ng Bayan-Bikol ang pagbasura sa Visiting Forces Agreement at pagtigil ng mga Balikatan Exercises sa bansa.

1 COMMENT

  1. Thanks for the informative blog. The place else could just I get that type of info written in such a excellent approach? I’ve a venture that I’m basically now operating on, and I’ve been on the glance out for such info.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.