‘Fuel subsidy’ binatikos ng Piston-Bicol

6
1723
Photo by BICOLTODAY.com
Photo by BICOLTODAY.com

SORSOGON CITY – Umani ng batikos mula sa sektor ng transportasyon sa Bicol ang inaprubahang ‘fuel subsidy’ ni Presidente Benigno Aquino III.

Panandalian lamang ang mararamdamang epekto ng fuel subsidy na ibibigay ng gobyerno at hindi rin lahat ay magagarantihayang makakatanggap nito, ayon sa Piston Land Transportation Coalition Sorsogon.

Sinabi ni Eduardo Ferreras tagapangulo ng Piston-Sorsogon, upang maibsan ang nararamdamang krisis ng mga tsuper at mamamayan ay dapat na repasuhin o tuluyang ibasura ang oil deregulation law at pagtanggal ng 12% VAT sa produktong petrolyo.

Sang-ayon naman dito ang Concerned Driver and Operator for Reform (Condor-Bicol), kung saan sinabi nila na 30 araw lamang itong fuel subsidy sa halagang P3 piso kada litro at mas malaki pa rin ang mababawas sa kita ng ordinaryong driver.

Sinabi ni Joel Ascutia, pangulo ng Condor-Bicol, mas makakagaan sa kanila kung tatanggalin na ang VAT na halos P7 pesos ang halagang binabawas ng gobyerno sa kada litro ng gasolina o krudo para lamang sa buwis.

Photo by BICOLTODAY.com

Matatandaan na inaprubahan ni Pangulong Aquino noong Marso 31 ang P500 milyong pisong “fuel subsidy” para sa mga public utility jeepneys at tricycles upang maibsan ang epekto ng serye ng pagtaas ng presyo ng langis na malaki ang naibabawas sa kita ng mga tsuper.

Ngunit ayon sa palasyo, iyong may prangkisa lamang ang makakatanggap ng naturang subsidyo. Hindi rin dito kasama ang bus na unang nang nabigyan ng P1 pisong provisional fare increase ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Sinabi pa ng palasyo, ipapamahagi ang subsidy sa pamamagitan ng “smart card” at rerepasuhin matapos ang isang buwan. BICOLTODAY.com

6 COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.