‘If it is to be’ – Sen. Marcos

1
681
Si Senador Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. habang nagtatalumpati sa 18th commencement exercises sa Sorsogon State College. BICOLTODAY.com
Si Senador Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. habang nagtatalumpati sa 18th commencement exercises ng Sorsogon State College. BICOLTODAY.com

SORSOGON CITY – “If it is to be, It is up to me”  o “Nasa sa ating kamay ang ating kinabukasan” ito ang katagang binitiwan ni Senador Ferndinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kanyang mensahe sa ika-18 commencement exercises ng Sorsogon State College, biyernes Abril 1.

Ikinagalak ni Sen. Marcos ang naging paanyaya at maging bahagi ng nakapahalagang okasyon sa pagtatapos ng mahigit 1,183 na estudyante ng SSC.

Binigyang diin ng opisyal na sa mahabang panahon patuloy na sinisisi ang mga kamalian at pagkabigo ng Amerika at Espanya, ngunit sinabi nito na walang ibang dapat na sisihin kundi ang ating mga sarili.

Ang mga bagong teknolohiya, ang mga bagong pandaigdigang ekonomiya at ang mga bagong pwersa sa trabaho sa ating bansa at sa mundo, ang lumikha ng isang bagong mundo ng pagkakataon at pag-asa para sa mga kabataang tulad ninyo, paglalahad ni Senador Marcos.

Sinabi pa ng senador na ngayon ay mayroong mga palatandaan na ang ating bansa ay pumapasok sa malaking pag-unlad at progreso sa mundo. Sa mahigit 45 kwarto ang Pilipinas ay naitala ang positibong paglago sa ekonomiya.

Binigyan diin pa din ni Senador Marcos ang kahalagahan ng etika at pag-uugali. Kung saan sinabi nito na nakatira tayo sa isang lipunan kung saan laging pinag-uusapan ang tungkol sa moralidad at pagsugpo ng korapsyon. Kung saan laganap ito sa bawat institusyon ng gobyerno mula sa militar, negosyo, pagsiwalat pa ni Marcos.

Human Rights victim

Dapat na manindigan si Senador Marcos para sa kapakanan ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa panahon ng diktadurya ng kanya ama na nagbusod sa pagdedeklara ng batas militar, kun saan libo-libo ang naging biktima nito, ayon sa mga dating bilanggong pulitikal.

Nanindigan din ang mga biktima sa pagtutol nila na bigyan ng ‘heroes burial’ si dating pangulong Marcos. Hindi nararapat ang isang lider na bigyan ng ganitong pagtingin na nilapastangan, dinambong ang bayan sa loob ng dalawang dekada.

Matatandaan na halos bilyon-bilyon ang mga ninakaw na yaman ng mga Marcoses sa kaban ng bayan at ng mga kroni nito kung saan nakabinbin pa ang mga kaso ng graft sa Philippine Commission on Good Government (PCGG) at sa iba pang mga korte sa Pilipinas at labas ng bansa.

Ayon sa Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA Bicol) patunay dito na may pananagutan si Marcos sa bayan matapos na ibaba ang hatol ng District Cout ng Hawaii para sa pagbabayad pinasala sa mga biktima sa halagang $1,000 dolyar. BICOLTODAY.com

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.