Bicol ‘protest march’ tuloy

2
98
Si Eddie Ferreras, tagapangulo ng Piston Sorsogon (gitna) habang kinakapanayam ng media. BicolToday.com File Photo
Si Eddie Ferreras, tagapangulo ng Piston Sorsogon (gitna) habang kinakapanayam ng media. BICOLTODAY.com File Photo

LEGAZPI CITY – Kasado na sa buong rehiyong Bicol ang isasagawang protestang bayan laban sa pagtaas ng produktong petrolyo ng iba’t-ibang ‘cause-oriented groups’ ngayong araw, Marso 31.

Pinangunahan ng Concerned Driver and Operator for Reform (Condor-Bicol) ang gagawing pagkilos kung saan makikiisa ang mga sektor sa mga pangunahing lungsod at probinsya sa rehiyon.

Ayon kay Ramon Rescovilla, tagapagsalita ng Condor-Bicol, ito ay pakikiisa nila sa pagkilos ng mga tsuper sa kalakhang Maynila na magsasagawa ng ‘caravan’ ngayon ding araw.

Samantala nauna nang isinagawa ng Piston Land Transportation Coalition sa Sorsogon ang noise barrage kahapon bilang tugon at build-up campaign din sa malawakang protesta.

Inaasahan din nila na sasabayan ng daan-daang mamamayan ang pagkilos ngayon araw, ayon kay Eddie Ferreras, tagapangulo ng Piston-Sorsogon.

Sinabi ni Ferreras na pangunahing panawagan pa rin nila ang pagbasura sa oil deregulation law at 12% value added tax.

Matatandaan na naparalisa ang ilang lalawigan sa Bicol sa isinagawang transport strike ng Piston noong Marso 16.

Dinagdag pa ni Ferreras na ito’y ay paghahanda nila sa gagawing ‘Nationwide Transport Strike’ sa Abril. Humingi rin ng pag-unawa ang transport group sa mamamayan sa kanilang mga pagkilos at hinikayat na rin nito na maikiisa sa panawagan sa gobyerno ang kontrol at pagsasabansa ng industriya ng langis.  BICOLTODAY.com

 

2 COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.